Antoinette Taus, inaalala ang kanyang 'Anna Karenina' days
Inalala ni Antoinette Taus ang dating pinagbidahan niyang show sa GMA na Anna Karenina sa kanyang Instagram.
Kinikilala ang Anna Karenina na isa sa mga pinakamahahabang seryeng ipinalabas sa telebisyon dahil ipinalabas ito mula 1996 hanggang 2002.
Sa post ni Antoinette, ibinahagi niya ang larawan nila kasama ang kanyang dating co-stars na sina Sunshine Dizon at Kim Delos Santos. Sila ang gumanap sa title roles na Anna (Antoinette), Karen (Sunshine), at Nina (Kim).
Ani Antoinette, "This show changed all of our lives and has so many special memories for each of us!"
Sa parehong post, nagbigay pa ng trivia ang '90s star.
Ayon kay Antoinette, ang Anna Karenina ang unang project nila bago mapabilang sa popular na youth oriented show ng GMA na T.G.I.S. Nagbigay daan din ang serye para lalo silang makilala at magkaroon ng kanya-kanyang love teams at kalaunan ay lumabas sa mga pelikula.
Sixteen years old lamang si Antoinette noong bumida sa Anna Karenina kaya naman isa siya sa mga kinikilalang sikat na teen actress noong mga panahong iyon.
Taong 2013 ipinalabas ang remake ng Anna Karenina na pinagbidahan nina Krystal Reyes, Barbie Forteza, at Joyce Ching.
Narito ang iba pang GMA remakes na minahal ng mga manonood: