Kuya Kim reveals that Mang Tani was his mentor during his first year as a weatherman
Ibinahagi ni bagong Kapuso Kuya Kim Atienza na naging mentor niya ang GMA resident meteorologist na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz noong nagsisimula pa lamang siya bilang isang weatherman.
Sa naganap na online interview kasama ang media kahapon, isang miyembro ng press ang nagtanong sa “Kuya ng Bayan” kung nagkita na ba sila ng Kapuso weatherman.
“Ay nako, hindi [ko] lang na-meet si Mang Tani. Mang Tani was my mentor,” ani Kuya Kim Atienza.
Noong nagsisimula pa lamang si Kuya Kim bilang isang weather anchor, pinupuntahan niya si Mang Tani na noo'y nagsisilbing spokesperson at head meteorologist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Kuwento niya, “Ang puntahan ko palagi sa PAGASA was Mang Tani. And even if walang bagyo, I used to visit Mang Tani and I used to ask him, 'Mang Tani, ano po ba itong precipitation? 'Ano po ba itong intertropical convergence zone?' 'Paano po ba nabubuo ang low pressure area?' And he would give me one-on-one lessons.
“He was my mentor in PAGASA before I became a weatherman.”
Maliban dito, ibinahagi rin ni Kuya Kim ang saloobin nang mag-trending sila ng kilalang meteorologist sa social media dahil sa bali-balita na papalitan daw ng una ang huli.
“Funny nga because the other day, we were both trending on the internet. Kuya Kim and Mang Tani kasi pinaglalaban kami, sabi papalitan ko raw etc.
“How can I replace my mentor? He taught me my weather and I look up to him. And to be able to work with him, for me, is an honor,” sagot ng bagong Kapuso.
Malinaw din na sinabi ni Kuya Kim sa 24 Oras na hindi niya papalitan ang GMA resident meteorologist at sinabi, “I will not be doing the weather because you have the best weatherman in the Philippines. You have Mang Tani.”
Noong October 4, naging official Kapuso na si Kuya Kim Atienza, o ang “Kuya ng Bayan,” matapos ianunsyo sa 24 Oras.
Bilang isang certified Kapuso na si Kuya Kim, magiging bahagi siya ng 24 Oras, Mars Pa More, at Dapat Alam Mo!
Kilalanin pa ang bagong kapuso at “Kuya ng Bayan” na si Kim Atienza rito: