EXCLUSIVES

Mikee Quintos
GMA Playlist

Why the song 'Just Enough' is a dream come true for Mikee Quintos?

By Bong Godinez
Published On: September 24, 2021, 7:07 PM

Mikee's new single “Just Enough” made an impressive debut on streaming platforms.

Overjoyed but still in disbelief.

Ganyan ang pakiramdam ng Kapuso star na si Mikee Quintos sa naging mainit na pagtanggap ng publiko sa kanyang single under GMA Playlist na pinamagatang “Just Enough.”

Ngayong araw (September 24), ang official launching ng single ni Mikee at humataw agad ito sa mga music streaming platforms.

Sa iTunes ay nag-number one ito sa Top 200 Tracks Philippines Pop Chart at Top 200 Tracks Philippines All Genre Chart.

Featured song din and “Just Enough” sa Fresh Finds Philippines ng Spotify.

Aminado si Mikee na hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang mga pangyayari pero masayang-masaya siya at finally ay naging reality na ang pangarap niya na makilala bilang singer.

Bagama't very active sa pagpu-promote sa social media ng “Just Enough” weeks before its launching, sinikap ni Mikee na iwasan ang mag-monitor online sa comments at reactions ng mga tao in anticipation of its release.

“Hindi ko po maiiwasan 'yong makikita 'yong mga tags, [IG] stories. But I don't want to check until everything is done, I really want to focus on the work first and then tsaka ako magre-react,” sabi ni Mikee nang makausap ng GMANetwork.com sa virtual press conference na inihanda para sa kanya ng GMA Playlist.

Iniiwasan daw ni Mikee na maapektuhan sa maririnig at mababasa habang naghahanda sa paglabas ng “Just Enough.”

Bubble pop kung i-describe ni Mikee ang “Just Enough” at leap of faith din na maituturing ito dahil finally ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para pormal na pasukin ang local music scene.

Bagama't may talent sa pagkanta ay very insecure raw noon si Mikee sa kanyang kakayahan pagdating sa music.

“It's really my dream kasi, mahirap siya. Sobrang tagal ko talagang pinagdasal,” naiiyak na sabi ni Mikee habang inaalala ang kanyang naging journey as a recording artist.

Hindi si Mikee ang nagsulat ng “Just Enough” pero sobrang naka-relate raw si Mikee sa mensahe ng kanta.

Grateful din si Mikee dahil pinayagan siya ng GMA Playlist na magbigay ng inputs para mapaganda pa ang awitin.

Ang “Just Enough” ang unang single na nilabas ng GMA Playlist - ang bagong sub-label ng GMA Music - matapos itong ilunsad nung Agosto ng taong ito.

Ayon pa kay Mikee, “'Yong second day ng recording tinawagan ko 'yan si Ate Roxy [Fabian, 'Just Enough' composer] sabi ko, 'Any notes, may gusto kang specific line na i-emphasize natin na mas feel na feel dun 'yong emosyon?'”

“So ganun po, we worked together with the details, down to the drop snare 'yong sound. Meron po kasi kaming group chat na dun kami nagse-send [ng messages], 'yong areglo nagbago-bago pa. I'm gtaeful kay Ate Roxy sa patience niya sa kaartehan ko,” natatawang kuwento ni Mikee.

Nagbunga naman ang pagiging mabusisi ni Mikee at naging masaya naman ang lahat sa kinalabasan ng kanta.

Sunod na ba nating maririnig ang mga kanta na si Mikee mismo ang nag-composed?

“I've written songs pero kaka-start ko lang sa ganyan, like last year lang ako nagsimula,” diretsong sagot ni Mikee. “Malay n'yo po baka sooner that you think ma-release namin 'yong kanta. Medyo ibang level na 'yon, baka naman ma-overwhelm ako so unti-untiin lang po muna natin.”

Available ang “Just Enough” sa lahat ng streaming platforms worldwide.

Samantala, alamin sa gallery na ito ang mga celebrity lookalikes ni Mikee.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->