Kalagayan ni Mahal bago pumanaw, ikinuwento ni Mygz Molino
Ikinuwento ni Mygz Molino ang kalagayan ng late comedienne na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay, bago siya pumanaw noong August 31.
Ayon kay Mygz, nagsimulang maging matamlay si Mahal matapos pumanaw ang kanyang ama.
“Masyado pong dinamdam ni Mahal 'yung pagkawala ng papa niya. That time po kasi nandoon pa po sa bahay nila Mahal 'yung abo ng papa niya… Palagi niya pong iniisip 'yung mga plano sa pagtulong sa kanyang papa at sa kanyang pamilya. Naging matamlay po siya nung mga panahon na 'yun. Although 'pag kasama namin siya tumatawa naman po siya, pero deep inside sa kanya may dinadamdam po.
That time po mga August 25, 26, po nagkaroon po siya ng ubo. Pagdating po ng Friday, nagkaroon na po siya ng sinat, nagkaroon na siya ng lagnat. Pagdating po ng kinabukasan, okay naman na po siya. Saturday and Sunday po maayos naman po 'yung kalagayan niya, pero nung time po na 'yun nasa sala lang po siya nanunuod, nagge-games lang po siya. Then, pumunta po siya sa kwarto natutulog ng tanghali. Nag-start lang po siyang matulog ng tanghali noong nawala po ang papa niya.”
Kwento pa ni Mygz, gumagawa sila ng mga kapatid niya ng paraan upang malibang si Mahal at maibsan ang lungkot nito dahil sa nangyari sa kanyang ama.
“Linggo ng gabi, biglang nagkaroon po uli siya ng trangkaso, so nag-worry na po ako, tinatanong ko siya kung nawalan ba siya ng pang-amoy o panlasa. Sabi niya po, okay naman daw po 'yung pakiramdam niya. May pang-amoy naman daw po siya, may panlasa naman po siya.
"Kinabukasan po ng Monday, pumunta na po dito 'yung manager niya na kausap niya po that time. Nagpapabili po si Mahal ng gamot."
Ikinuwento rin ni Mgyz kung ano ang kanilang mga ginawa sa sitwasyon ni Mahal.
Inobserbahan nila nang mabuti si Mahal kung nasa maayos na kalagayan ito.
Nang mga oras na 'yun, naghanda na rin sila ng oxygen para kay Mahal.
Binanggit na rin ni Mygz sa nanay ni Mahal ang nararamdaman nito.
Kwento ni Mgyz, “Medyo naghahabol po ng hininga si Mahal. Nung sinalpakan po namin ng oxygen, that time po, naging okay naman po 'yung kanyang hinga. Ilang minute, naghabol po ulit ng hininga si Mahal. Dinala na po namin sa ospital para bigyan po muna ng lunas si Mahal.”
“Sabi ko po sa doktor, pagalingin niya po si Mahal,” maluha-luhang sinabi ni Mygz.
“Nagsabi po 'yung doktor na 50/50 si Mahal. Nakita po sa kanya is severe acute respiratory distress syndrome. Mga ilang oras po, idineclare na po na wala na sila Mahal, ang bilis.”
Sa huling bahagi ng vlog ni Mygz, nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang matalik na kaibigang si Mahal: “Alam ko masaya ka na kasama ang papa mo. Gusto kong magpasalamat sa'yo, sa binigay mo na kasiyahan, sa mga araw at sa mga panahong kasama kita.”
Huling napanood si Mahal sa GMA's romantic-comedy na Owe My Love.
Kilalanin ang iba pang komedyanteng pumanaw na sa gallery na ito: