What's Hot

#FlexMoNa: Bakit mahalaga ang COVID-19 vaccine?

By Maine Aquino
Published September 10, 2021 6:00 PM PHT
Updated September 10, 2021 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

#FlexMoNa GMA Artist Center


Ano ang kahalagahan ng bakuna laban sa COVID-19? Alamin sa #FlexMoNa.

Sa #FlexMoNa campaign ng GMA Artist Center, ipinakita na parami na nang parami ang mga nagpapabakuna kontra COVID-19.

Ang mga GMA Artist Center stars na kabilang dito ay sina Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Vaness Del Moral, Ashley Rivera, Denise Barbacena, Riel Lomadilla, Garrett Bolden, at Mel Caluag.

FlexMoNa GMA Artist Center

Photo source: #FlexMoNa

Kasali rin dito sina Joaquin Manansala, Yasser Marta, Jose Sarasola, John Feir, Pekto, Matt Lozano, Coleen Paz, Ashley Ortega, Alexandra Yap, Jennifer Maravilla, Kristoffer Martin, Lianne Valentin, Royce Cabrera, Manolo Pedrosa, at Rain Matienzo.

Ipinaliwanag naman ni Ruru Madrid ang kahalagahan ng bakuna para sa bawat isa lalo na ngayong patuloy na dumarami ang mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

"Maaaring ito po ang makakatulong upang protektahan po natin ang ating mga sarili, ang ating mga mahal sa buhay, pati na rin ang mga tao sa buong mundo."

Paalala sa #FlexMoNa, patuloy na sundin ang safety health protocols para maging ligtas sa COVID-19.

Samantala, kilalanin ang iba't ibang mga GMA Artist Center stars na bahagi na nagpabakuna sa gallery na ito: