
Sa loob ng halos isang dekada, nagbigay ng kasiyahan ang sitcom na Okay Ka, Fair Ko, na pinagbibidahan noon nina Vic Sotto at Alice Dixson.
Nakadagdag din sa pagbibigay ng tuwa ang co-stars nila tulad nina Ruby Rodriguez at Jinky Oda, na nakabase na ngayon sa Amerika.
Sa September 8 episode ng Tunay na Buhay, nakapanayam ni Pia Arcangel sina Ruby at Jinky, na inalala ang mga masasayang karanasan nila noon sa set ng Okay Ka, Fairy Ko.
Paglalahad ni Ruby, na gumanap na Amy sa sitcom, "Masaya lang doon, e. Ang saya lang ng vibe namin lalo na kapag meron kaming mga special - madaling araw na kami natatapos, para na kaming mga walang mata, tawa lang kami nang tawa."
Sinang-ayunan naman ito ng kasamahan niyang si Jinky, na gumanap na Bale sa comedy show, "No dull moment. Actually, yung isang dekada namin, family na kami. Parang ang hirap nang humiwalay noong kailangan nang mag-let go yung show."
Katulad ng dalawang komedyana, masaya rin ang mga alaala ni Alice tungkol sa kanilang programa noon, kung saan gumanap siya bilang si Faye.
Sabi ng Legal Wives actress, "We were just teenagers back then, ang babata pa namin. Jinky was mestiza, Ruby was mestiza, I was mestiza, but I was not the comedian. Everybody else was, you know, really funny, so tagasalo na lang talaga kami ng mga joke, meron kaming mga tagabato. It was really like a family setting."
Sa isang bahagi ng Tunay na Buhay, nagkaroon ng virtual reunion sina Alice, Jinky, at Ruby.
Dito, nagbigay ng mensahe si Alice sa kanyang mga dating katraho, "I hope you, guys, had a good life, had a good run. I hope to keep seeing you sa mga projects. I hope we can still work together."
Panoorin ang kabuuan ng tagpong ito sa Tunay na Buhay:
Samantala, narito ang ilang pang celebrities na umalis sa showbiz para manirahan sa ibang bansa: