Cavite Gov. Remulla to Laguna Gov. Hernandez : 'Walang basagan ng trip.'
"Walang basagan ng trip," pabirong paalala ni Cavite Governor Jonvic Remulla para sa kaniyang 'BFF' na si Laguna Governor Ramil Hernandez.
Ito ay kaugnay ng anunsyo ng huli na "#WalangPasok" sa lahat ng antas at learning modalities sa buong lalawigan ng Laguna dahil sa sama ng panahong dulot ng bagyong #JolinaPH ngayong September 8.
Sumama raw ang loob ni Gov. Remulla sa Facebook post na ito dahil may usapan na pala ang dalawa na ang Cavite dapat ang mauunang magsuspinde ng klase. Kaya naman ganito na lamang ang kaniyang naging mensahe sa kaibigan.
“Minamahal kong BFF Ramil, Ayan ka na naman. Walang ganyanan. Diba nagkaintindihan na tayo na ako ang una lagi sa #WalangPasok. Bakit ka nanaman nang-aagaw ng papel?!
Sa parehong post, idinaan ni Gov. Remulla ang pagdedeklara na #WalangPasok ngayong araw sa lahat ng antas sa lalawigan ng Cavite dahil malakas na ang ulan at siguradong mahina ang internet connection at mahihirapan ang mga estudyante sa kanilang online class.
Ang post na ito ay agad ding sinagot ni Gov. Hernandez na humingi ng pasensiya sa nagtatampo niyang 'BFF'. May pa-throwback pa ang Gobernador patungkol sa 'cocolisap infestation'na tumama noon sa CALABARZON.
Kinatuwaan naman ng netizens online ang sagutang ito ng dalawang gobernador. Sa ganitong paraan daw sila sumasaya sa kabila ng hirap na kanilang pinagdaraanan.
Nagpaalala naman sina governors Remulla at Hernandez sa kanilang mga nasasakupan na palaging mag-ingat ngayong may bagyo at nasa gitna pa rin ang lahat sa krisis dulot ng pandemya.
Samantala, tingnan ang viral memes ni 24 Oras news anchor Mel Tiangco rito: