What's Hot

Mikael, posibleng ma-in love kay Andrea?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 6, 2020 11:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider who obstructs fire responders in Bacolod City identified
Student punches female classmate in Tagkawayan, Quezon
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News



Kahit unang beses palang na magtatambal ang new faces ng Afternoon Prime na sina Andrea Torres at Mikael Daez, agad  na inamin ng dalawa na komportable na sila agad sa sa isa’t isa.


Kahit unang beses palang na magtatambal ang new faces ng Afternoon Prime na sina Andrea Torres at Mikael Daez, agad  na inamin ng dalawa na komportable na sila agad sa sa isa’t isa.

Masayang ikinuwento sa press ng newest loveteam ng GMA  ang mga nakakikilig na detalye sa story conference ng Sana Ay Ikaw Na Nga na ginanap sa Museum Room ng GMA Annex Building last Friday.
 
Sina Andrea Torres at Mikael Daez ang gaganap na bagong Cecilia Fulgencio (Andrea) at Carlos Miguel Altamonte (Mikael) sa muling pagbabalik ng isa sa pinakamamahal at pinakamagandang  soap opera ng GMA Network na Sana Ay Ikaw Na Nga.
 
“Noong unang beses ko na nakita si Andrea, komportable na kami agad sa isa’t isa. Wala nang problema kasi noong My Beloved, madalas na kaming nag-uusap. Kaya lang madalang ang scenes naming dalawa kasi pag may taping ako, may taping din siya,” kwento ni Mikael.
 
Nang tanungin sila kung ano ang pakiramdam nila matapos mapili na gumanap sa mga roles na kanilang inaasam, ito naman ang naging sagot ng dalawa. “Syempre honored po. Kasi napapanood ko itong soap na ito dati. Honored ako kasi fan ako ni Tanya at saka si Kuya Dong, and tumakbo po ito ng two years. So, malaking responsibilidad talaga ‘yong binigay nila sa amin,” says Andrea. Naniniwala rin si Mikael na posibleng ito rin ang maging stepping stone niya sa kanyang career, gaya na lamang ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. “Malaki kasi ‘yong tiwala na ibinigay sa amin ng GMA. I look up to Dingdong kasi ang dami niyang nagawa. ‘Di lamang sa acting kundi maging sa ibang bagay. Naging isang personality na siya. I think na naging super big break niya ang Sana Ay Ikaw Na Nga, at nagtuloy-tuloy na siya from there,” ayon sa Kapuso actor.

Ikinuwento namang ng Kapuso actress ang kanilang screen test kung saan napasabak silang dalawa ng ka-loveteam sa mga kissing scenes. “Agad-agad po na napasabak kami. Naka-sampung kissing scenes kaagad kami para sa bawat character. Wala man lang isa sa aming dalawa ang nagsabi ng ‘wait lang ah’ kasi puro kami ‘okay go! kaya to’  at  game talaga kami, kaya siguro kami ‘yong napili for the role.” Sinabi rin ng Kapuso actor na never siyang nailang sa mga scenes nila ni Andrea. “Bakit namin ipapakita na nagkakailangan kami ‘di ba? Eto na ‘yong break na ibinigay sa amin ng GMA, so go na! Wala nang mag-iinarte! Wala na ‘yon sa diksyonaryo ko.”
 
Nang tanungin ang dalawa kung sa tingin nila’y nababagay sila sa isa’t isa, tanging ngiti lamang ang isinagot ni Andrea, kaya’t si Mikael na lamang ang sumagot ng katanungan. “Very sharp ‘yong looks at features namin, so sa tingin ko bagay talaga kami.”
 
Ayon pa sa actor, dapat lalong mas abangan ng mga manonood ang bagong Sana Ay Ikaw Na Nga, dahil mas daring at mas matured ang tema nito.“Sa screen test pa lang po, parang ‘yon na agad ‘yong naramdaman namin. Mas okay din kung iisipin, kasi parang napanood na nila ito dati, at sinundan na nila ‘yong dating Sana Ay Ikaw Na Nga. So Syempre, siguro tumanda na rin ‘yong mga fans nito, so I guess tama lang din na nagma-mature ‘yong story. I hope magustuhan din nila ‘yong difference ng story na ito.”

Dagdag pa ni Andrea, “Mukhang mapapasabak kami eh. Actually, sinabihan po kami na marami talaga kaming i-e-expect na kissing scenes at mga eksenang medyo passionate. So mas matured talaga.”
 
Open din ang dalawa na gumawa ng mga daring scenes para sa kanilang soap opera, at kung mabibigyan ng pagkakataon, maging sa pelikula. ”Kung kailangan ng story at ikagaganda niya, katulad ngayon for a starring role, maganda ‘yong ibigay mo na lahat ‘yong 100 percent. Ako kasi may limitation, may certain level lang ng sexiness. May konting limitations pero handa akong gawin ang lahat,” ayon sa actress.

Ayon pa kay Mikael, willing silang dalawa ng ka-loveteam na gawin ang mga daring scenes kung nire-require ng eksena. “Ang nakita ko sa aming dalawa eh willing kami for the sake of the story and the project, at kung ikagaganda nga naman ‘yon di ba? At bakit hindi? At isa itong big step forward para sa aming dalawa. Malaki rin ang tiwala naming kay Direk Dick Lindayag, kay Ms. Hazel at kuya Jojo na wala kaming magiging problema. Kaya’t noong kissing scene kaming dalawa, go lang!”
 
Nang tanungin kung possible ba na mainlove ito sa kanyang leading lady, ito naman ang naging sagot ni Mikael. “Nakikita ko kung bakit naiinlove sina Dennis Trillo at sina Richard Gutierrez sa mga leading ladies nila. It comes with the experience kasi magkasama sila palagi at kung dalawa silang nagtatrabaho, nakikilala nila ‘yong isa’t isa at intimate pa ‘yong mga scenes. So para siyang relationship, parang getting to know you stage. Malay mo, kasi first time pa lang naming nagkakasama, kaya ‘di ko masasabi kung ano ‘yong posibleng mangyari.”
 
Open din si Mikael sa possibility na maging totohanan ang romance with his on-screen partner na si Andrea. ”Oo naman, open kami at ibubuhos namin ang lahat. Siguradong-sigurado ako na pagkatapos ng proyektong ito’y kilalang-kilala ko na si Andrea.”
 
Abangan ang pagganap nina Andrea Torres at Mikael Daez bilang Cecilia at Carlos Miguel sa muling pagbabalik ngSana Ay Ikaw Na Nga, sa GMA Afternoon Prime.