Kilalanin si Park Hyung Sik, ang gaganap bilang si Mikael Ahn sa 'Strong Girl Bong Soon'
Si Mikael Ahn ang CEO ng gaming company na magkakagusto sa ating bidang si Bong Soon.
ZE:A
Part ng grupong ZE:A si Park Hyung Sik, kasama ang members na sina Kevin, Kwanghee, Siwan, Lee Hoo, Taeheon, Heechul, Minwoo, at Dongjun. Nag-guest na rin ang grupo sa 'Eat Bulaga' noong 2012. Currently ay signed ngayon si Hyungsik sa United Artists Agency, ang ibang members ay nakahanap na rin ng ibang agency at ang iba ay nag-mandatory military service na. Ngunit na-mention ng grupo before na may balak pa rin sila magsama-sama one day. Magkaka-possible reunion kaya ang ZE:A?
Strong Girl Bong Soon
Si Park Hyung Sik ang leading man sa 'Strong Girl Bong Soon.' Inamin din ng actor-singer na totoong may "crush" siya sa kanyang leading lady na si Park Bo Young.
Chaebol?
CEO ang role ni Hyung Sik sa 'Strong Girl Bong Soon,' na isa ring second generation chaebol or tagapagmana. Inakalang isang chaebol si Park Hyung Sik, may rumor dating kumakalat na CEO ang dad niya ng BMW Korea. Ngunit pinaliwanag na niya na member of the board of directors talaga ang kanyang ama.
Military
Napasabak sa military-themed reality show titled 'Real Men' si Park Hyung Sik noong 2013. Dito mas lalong sumikat ang actor-turned-singer. Nakuha pa niya ang palayaw na "baby soldier" sa nasabing palabas.
Sports
Merong 4th stage certificate sa Haidong Gumdo, isang Korean martial arts na gumagamit ng espada, si Park Hyung Sik.