Social media star na si Pipay, mapapanood sa 19th anniversary ng 'Wish Ko Lang'
Feeling blessed at grateful ang social media star na si Pipay na mapabilang sa 19th anniversary episode ng bagong Wish Ko Lang na “To Love Again.”
Ito ang first TV appearance ng online influencer na kasalukuyang may 22.1 million likes at 1.6 million followers sa TikTok.
Sa pahayag na ibinigay ni Pipay sa GMANetwork.com, sinabi niyang unexpected ang kanyang pagpasok sa showbiz.
Social media star na si Pipay, mapapanood sa 19th anniversary episode ng bagong Wish Ko Lang / Source: @pipaykipayy (IG)
Ito ang first TV appearance ng online influencer na kasalukuyang may 22.1 million likes at 1.6 million followers sa TikTok.
Sa pahayag na ibinigay ni Pipay sa GMANetwork.com, sinabi niyang unexpected ang kanyang pagpasok sa showbiz.
Pabirong kuwento ni Pipay, “Well, inexpect ko naman na kukunin nila ko. Wow HAHAHAHA EME!
“Hindi, seriously, never kong in-imagine na makikita ako sa TV kasi nga mababa ang self-confidence ko nung bata ako.
“And well, here I am, makikita na sa TV, AND part pa ng anniversary ng 'Wish ko lang,' and kasama ko pa ang bigating actors ng GMA kaya kabado to the bones and atih mo, gurl.
“Kaya I am so grateful for the blessings.”
Isa sa mga Kapuso stars na makakasama ni Pipay sa “To Love Again” episode ay ang First Yaya lead star na si Sanya Lopez.
“Well, sa pagkakaalam ko, ako ang main character, charot!” Biro ni Pipay. “Hindi, I am the katulong/bff keme ni Ms. Sanya Lopez and, nakarelate ako dito kase nagiging kaibigan talaga ko ng mga magaganda in real life, so, no challenge, CHAROT!”
Kasama rin ni Pipay sa naturang Wish Ko Lang episode ang batikang aktres na si Rita Avila at ang Kapuso artists na sina Anjo Damiles, Arny Ross, at Yesh Burce.
Ikinuwento rin ni Pipay ang magandang experience niya nang makatrabaho sila.
“Well, una sa lahat, nag-toothbrush talaga ko ng bongga dahil ayokong magdala ng polusyon sa mga ilong ng kasama ko HAHAHAHA!
“Pero, honestly, I really enjoyed working with them kase they made me comfortable at saka 'di nila pinaparamdam na trabaho ito kaya we enjoyed and we bonded tapos ang babait pa nila, parang ako pa nga' yung masungit eh, charot!”
Hindi pa nga rin daw lubos makapaniwala si Pipay na artista na rin siya ngayon sa telebisyon.
“Ugh, EXPECTED. Eme! Hindi, sobrang overwhelming na maging isa ka sa mga hindi mo inaasahang maging ikaw, gets n'yo? HAHAHAHA!
“I mean, gets ko na na maganda na ko already pero para umarte at maging artista? owemji HAHAHAHA!”
At nang tanungin kung itutuloy-tuloy na ba niya ang pag-arte sa TV, open naman daw si Pipay sa mga posibilidad.
“Well, I am a content creator myself and I did multiple skits already, pero in terms ng TV, depende kung kukunin pa nila ko. HAHAHAHAHA!
“Pero seriously, if may chance ulit, why not?”
Huwag palalampasin ang acting debut ni Pipay sa telebisyon sa 19th anniverary episode ng bagong Wish Ko Lang na “To Love Again.”
Mapapanood 'yan ngayong Sabado, July 31, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Alamin kung sinu-sino pang social media stars ang pumasok sa showbiz tulad ni Pipay sa gallery na ito.