
Natuwa ang mga tagahanga nina Xian Lim at Jessy Mendiola nang mapanood sila sa GMA Network bilang parte ng isang TV special ng isang e-commerce platform.
Kahapon, July 7, naging co-host ni Willie Revillame sina Xian at Jessy sa Shopee 7.7 Mid-Year Sale TV Special.
Hinarana din ni Xian ang mga manonood nang kantahin niya ang '90s hit song na "Pare Ko" ng Eraserheads.
Samantala, pinainit naman ni Jessy ang dance floor sa kanyang production number.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, napanood na si Jessy sa Kapuso network noong siya ay 13 taong gulang pa lamang sa Hanggang Kailan (2004).
Ilang Kapuso stars din ang nakisaya sa nasabing programa tulad ni Sofia Pablo, na nagpa-picture pa kina Xian at Jessy.
Nagkaroon ng pagkatataon si Sofia Pablo na magpa-picture kina Xian Lim at Jessy Mendiola nang magkasama sila sa iisang show.
Samantala, narito ang ilang celebrities na dating Kapamilya at certified Kapuso na ngayon: