Filtered By: Showbiz News | News
Madamdaming wakas ng “Hiram na Puso” ng GMA
Published On: July 3, 2012, 12:00 AM
Updated On: November 10, 2020, 02:22 PM
Pagkatapos ng 18-week run ng serye sa Afternoon Prime, masasaksihan na ang pagwawakas ng high-rating afternoon drama na Hiram Na Puso sa finale week nito mula July 2-July 6.
Pagkatapos ng 18-week run ng serye sa Afternoon Prime, masasaksihan na ang pagwawakas ng high-rating afternoon drama na Hiram Na Puso sa finale week nito mula July 2-July 6.
Masayang-masaya ang buong cast sa pangunguna nina Mark Herras at Kris Bernal sa naging experience nila sa naturang show. Ayon kay Kris, madami siyang natutunan sa mga co-actors niya sa serye, "Yung mga scenes ko with Gina Alajar, Candy Pangilinan, Ayen Munji-Laurel, Gardo Versoza ang dami kong natutunan sa kanila. Parang sila ang nagiging acting coach ko pag nasa set at pag may eksena, para na akong nag wuworkshop.” Sinang-ayunan naman ni Mark ang naging paghanga ni Kris sa kanilang mga kasama, “Hindi ko makakalimutan ang role ko rito kasi nakatrabaho ko ang mga magagaling na veteran actors sa bansa.”
Ipinahayag din nila Mark at Kris ang kanilang mga plano sa pagtatapos ng Hiram na Puso. Kasabay narin ang pagbalik nila sa pagwu - workshop para lalong mahasa at ma-improve pa ang kanilang mga skills. “Pahinga muna then take workshops in acting, singing and dancing. Gusto ko pa mag-explore ng mga bagay na pwede ko pang gawin. Kung pwede, gusto ko rin mag culinary,” ani ni Kris. Ganun din si Mark at maliban sa workshop balik din ito sa pagpapaganda ng kanyang katawan, "Pahinga muna at the same time mag-workshop. May time narin ako mag-gym dahil dati walang oras dahil hectic ang schedule. Ngayon balik workout na ulit ako.”
Sa huling linggo ng Hiram na Puso, gagawin lahat ni Zeny (Gina Alajar) para makapagsama-sama na silang mag-iina muli. Pero hahadlangan parin ito ni Roxanne (Ayen Munji-Laurel). Sunod-sunod ang mga masasamang balak ni Roxanne kina Zeny at Lira (Kris) at gagamitin niya si Vanessa (Bela Padilla) para magawa ang mga ito.
Pero bago man magawa ni Vanessa ang utos ni Roxanne, magkakaroon ng kaguluhan na magdadala kay Vanessa sa kapahamakan. Dito ma-ri-realize ni Vanessa na hindi talaga siya mahal ni Roxanne kaya babawi ito kay Zeny sa pamamagitan ng pagtulong kay Lira. Ngunit lubos itong ikagagalit ni Roxanne na siyang magdadala kay Lira sa matinding kapahamakan.
Dadalhin na ba ni Roxanne si Lira sa ospital? O itutuloy niya ang binanta kay Zeny? May magagawa pa ba si Zeny para iligtas ang anak? Sino ang magtatagumpay sa huling laban ng dalawang ina? Kaninong utang ang mababayaran sa pagtatapos ng Hiram na Puso?
Huwag palagpasin ang huling linggo ng Hiram Na Puso, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.
Related Videos
EXCLUSIVE VIDEOS