GMA News pillar na si Arnold Clavio, proud sa kanyang dating trabaho bilang dishwasher
Maraming nakakikilala ngayon kay Unang Hirit host na si Arnold Clavio bilang isang award-winning TV and radio anchor, pero bago natikman nito ang tagumpay ay marami siyang pinagdaanang hirap bilang isang working student.
Inalala ng tanyag na Kapuso news personality ang dati niyang trabaho na naging susi para makapagtapos siya ng pag-aaral.
Sa Instagram post ni Igan noong June 3, ibinahagi nito na ang mga raket na pinasok niya bilang isang estudyante.
Kuwento ni Arnold, nakilala pa siya bilang si Arnold Dishwashernegger.
Pagbabalik-tanaw nito, “Ito ay kuha sa loob ng Kentucky Fried Chicken, Roxas Boulevard Branch mga taong 1986 kung saan ako ay naging busboy/waiter, cook at dishwasher.
“Doon ako unang tinawag na Arnold Dishwashernegger. I'm a proud working student dahil napagtapos ko ang sarili ko sa kolehiyo matapos na mawalan ng trabaho ang aking Ama resulta ng 1983 Ninoy Assassination.”
Dagdag niya, “Aral - hindi hadlang ang kahirapan para makamit mo ang iyong mga pangarap.”
Marami naman celebrities ang humanga sa inspiring story ni Igan at ilan sa mga ito ay sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Prima Donnas actor Wendell Ramos.
Bukod sa morning show, napapanood at napapakinggan din si Arnold sa DZBB Super Radyo bilang isa sa top radio hosts ng AM station at sa late night newscast na Saksi.
Heto pa ang ilan sa nakaka-antig na kuwento ng ibang celebrities bago sila sumikat at mga naging trabaho nila noon sa gallery na ito: