
Nag-trending sa social media kamakailan ang Miss Ilocos Norte 2021 pageant dahil sa mga bongga at magagarang municipal costumes ng mga kandidata na kanilang inirampa sa isang virtual fashion show.
Ngayong umaga, sa live version ng costume show na umere sa morning talk show na Unang Hirit, ay muling inirampa ng kinoronahang bagong Miss Ilocos Norte titleholder na si Lyza Katrina Samalio, 1st runnerup Iweeh Hugal Alejoof, at 2nd runnerup Julia Yzabelle Andrei Echepare ang kanilang mga municipal costumes.
Source: Miss Ilocos Norte Facebook page
Bukod diyan, live ding in-interview nina Unang Hirit hosts Suzi Entrata-Abrera at Lyn Ching ang mga kandidata patungkol sa kanilang costumes.
Ayon kay Julia Yzabelle na nakasuot ng malaking bird-inspired ensemble, nanibago raw siya sa bigat ng kasuotan.
Aniya, “Itong costume ko Ma'am sobrang bigat lalo na nung first fitting ko. Sobrang nanibago ako that's why I suggested my fashion designer to put foam to support my shoulders.”
Si Julia Yzabelle rin ang nakapag-uwi ng Best in Municipal costume award.
Source: Miss Ilocos Norte Facebook page
Source: Miss Ilocos Norte Facebook page
Ang colorful costume na may woven basket headpiece ni beauty queen Iweeh Hugal Alejoof ay inspired naman daw sa early inhabitants ng Nueva Era.
“This costume is inspired by the early inhabitants of our town which are the Tingguians, ang parte po ng kultura nila ang pagsayaw ng Tadek. Kaya pinangalanan din pong Tadek Festival ang aming pista,” aniya.
Source: Miss Ilocos Norte Facebook page
Source: Miss Ilocos Norte Facebook page
Para naman kay reigning Miss Ilocos Norte 2021 na si Lyza Katrina, nakatulong umano ang pagkapanalo niya sa beauty pageant sa kanyang pag-aaral.
“Mahalaga po sa akin ang pagkapanalo ko bilang Miss Ilocos Norte dahil makakatulong po ito sa aking pag-aaral. Nakatanggap ako ng scholarship. Makakatulong din po ako sa mga makeup artist and Ilocano creatives na walang trabaho ngayon sa panahon ng pandemya.
“And of course, makakatulong din po ako sa pag-promote ng turismo sa aming probinsiya,” aniya.
Source: Miss Ilocos Norte Facebook page
Source: Miss Ilocos Norte Facebook page
Ang fish-inspired costume naman daw niya ay para bigyang-pugay ang mga mangingisda ng Pagudpud, ang kanyang hometown.
“Since we live in a coastal are, this costume is inspired by a fish to represent the main livelihood of the fishermen of our place po,” dagdag pa niya.
Ginanap ang Miss Ilocos Norte coronation night sa Pangil Rock Formation in Currimao nitong May 29.
Silipin ang iba pang world-class municipal costumes ng ibang kandidata rito: