
Gumawa ng kasaysayan ang beteranang aktres na si Snooky Serna sa katatapos lang na 11th International Film Festival Manhattan sa New York.
Nanalo si Snooky bilang Film Festival Best Actress at Jury Award Best Performance of the Festival para sa pelikulang In The Name of the Mother.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nanalo ng two major awards ang iisang tao sa kasasayan ng film festival.
"Ayoko sanang umiyak pero talagang there was a part that I shed a bit of tear," pahayag ni Snooky kay Lhar Santiago sa 24 Oras.
"I really did not expect it at all na manalo ako and I won two award.
"It was a dream come true for me."
Masaya naman si Snooky sa natanggap na karangalan at sa pagkakataon na itaas ang bandera ng Pilipinas sa ibang bansa.
Dagdag niya, "It's such a humbling experience na na-recognize tayo sa ibang bansa."
"Hindi lang sa New York kung hindi sa Bangladesh. I attended the Fantasporto Film Festival where we were also nominated.
"Nakakatuwa talaga, nakakataba ng puso."
Samantala, nakatanggap naman ng honorable mention si Ang Dalawang Ikaw actress Rita Daniela para sa parehong pelikula.
Kapwa nominado sina Snooky at Rita sa Best Actress category.
Nakatanggap rin ng jury citation ang direktor na si Rico Gutierrez para sa animated short film na Ang Lihim ni Lea.
Congratulations, mga Kapuso!