GMA Logo Rocco Nacino and Max Collins
What's Hot

Rocco Nacino at Max Collins, magtatambal sa 'To Have And To Hold'

By Maine Aquino
Published May 30, 2021 5:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: January 19, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino and Max Collins


Abangan sina Rocco Nacino at Max Collins sa 'To Have And To Hold,' soon on GMA.

Mapapanood soon sa GMA Network ang tambalang Rocco Nacino at Max Collins.

Sina Rocco at Max ang bibida sa upcoming series na To Have And To Hold. Bibigyang buhay nila ang mga karakter nina Dominique at Gavin Ramirez.

Sa post ng GMA Drama ay ipinakita na ang ilang litrato ng dalawa para sa serye.

Rocco Nacino and Max Collins

Photo source: GMA Drama

"The look of love 😍 Abangan sina Max Collins at Rocco Nacino bilang sina Dominique at Gavin Ramirez sa #ToHaveAndToHold, soon on GMA ❤"

Ang To Have And To Hold ay ang isa sa mga inaabangang mga serye ng GMA Network.

Picture-perfect ang buhay ng mag-asawang Gavin at Dominique ngunit isang iskandalo ang gigimbal sa pagsasama ng dalawa. Ipaglalaban ba ni Gavin ang nasirang relasyon sa asawang si Dominique, o muling mag-uumpisa sa isang bagong pag-ibig?

Abangan sina Rocco at Max sa To Have And To Hold, soon sa GMA Network.

GMA Network raises the bar with nearly 100 new, cutting-edge programs

GMA Network to bring back-to-back exciting programs for every viewer!