Filtered By: Showbiz News | News
rochelle pangilinan as triplets
Showbiz News

Part 2 ng Triplets episode ng 'Wish Ko Lang,' kaabang-abang!

By Racquel Quieta
Rochelle Pangilinan, muling mapapanood bilang triplets sa bagong 'Wish Ko Lang' episode ngayong Sabado.

Mas matitinding eksena ang dapat abangan sa “Triplets” episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, May 29.

Muling mapapanood si Rochelle Pangilinan ngayong Sabado sa kanyang natatanging pangganap bilang ang triplets na sina Carmen, Carina, at Cassandra.

Marami ang naiskandalo sa kuwento ng nasabing triplets dahil sila'y magkasama sa iisang bubong at magkasalo sa iisang lalaki, si Alonzo (Ervic Vijandre), ang asawa ni Carina.

Sa triplets, ang maituturing na paborito ay si Carina. Tila na kay-Carina na kasi ang lahat: maganda, matalino, may trabaho at may asawang guwapo at mayaman.

Si Carmen naman ang mapagparaya sa triplets. Masipag siya sa gawaing bahay at dahil abala sa trabaho si Carina, si Carmen ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanilang ina na si Odessa (Tanya Gomez), na inatake sa puso kamakailan.

Ngunit kahit natural na mabuti ang kalooban ni Carmen, hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit kay Carina.

Si Cassandra naman ang palaban, prangka, at pilya sa kanilang triplets. Siya ang maituturig na mistulang “black sheep” ng kanilang pamilya.

Pero kahit tila madalas masiyahin, walang pakialam at may pagka-pilya si Cassandra, may lungkot siyang itinatago sa kanyang puso dahil iniwan siya ng kanyang asawa at sumama sa mas batang babae.

Nang magkasama muli ang triplets para tuparin ang birthday wish ng kanilang ina, napagpasiyahan nilang tumira muna sa iisang bubong pansamantala.

Dito nagsimula ang problema dahil ang asawa ni Carina na si Alonzo ay likas na babaero.

Kaya ultimo ang mga kapatid ni Carina na sina Carmen at Cassandra ay pinatos niya.

Sa Part 1 ng istorya ng “Triplets,” nakitang itinago ni Carmen ang singsing ni Carina at ang napagbintangang kumuha nito ay si Cassandra.

Paano kaya mabubuko ni Carmen ang kataksilang ginagawa ng kanyang asawa na si Alonzo at kanyang kapatid na sina Cassandra at Carina?

At paano kaya mabibigyan ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales ng bagong simula ang pamilyang sinira ng inggit at pagtataksil?

Huwag palampasin ang kaabang-abang na Part 2 ng “Triplets,” kung saan kasama rin ang mga aktor na sina Therese Malvar, Miggy Tolentino, at Rowena Concepcion.

Panoorin ang bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Balikan ang isa pang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.