Filtered By: Showbiz News | News
the big 15 Kapuso Mo Jessica Soho
Showbiz News

KMJS: Ano ang nangyari sa 15 lalaking nagpaturok ng petroleum jelly sa kanilang ari?

By Racquel Quieta
Lumaki ba ang ari ng 15 mister sa Malabon o malaking problema ang umusbong matapos magpa-injection ng petroleum jelly? Alamin ang kuwento nila DITO:

Nitong Linggo, 15 mga mister mula sa Malabon ang umamin sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na nagpaturok sila ng petroleum jelly sa kanilang ari.

Matagal na tayong may mga nababalitaang nagpapaturok ng petroleum jelly sa ari upang lumaki ito.

Ngunit kahit na ito'y lubhang delikado dahil hindi ito ginagawa ng isang medikal na propesyunal, may ilan pa rin kinakagat ito.

'Di hamak na mas mura kasi ito kaysa sa penoplasty o ang operasyong ginagawa upang lumaki ang ari ng lalaki.

petroleum jelly and syringe

Ano ang epekto ng pagturok ng petroleum jelly sa ari ng lalaki? / Source: KMJS

Madalas na-i-insecure ang ilang kalalakihan sa laki ng kanilang ari, may ilan kasing naniniwala na ito ang sukatan ng pagkalalaki.

At para naman sa iba, gusto nila itong gawin sa paniniwalang mas mapapaligaya nila ang kanilang misis o partner sa pagtatalik kung mas lalaki pa ang kanilang ari.

Kaya naman nang mabalitaan ng 15 lalaking nagtatrabaho sa Malabon bilang taga-gawa ng lambat sa palaisdaan na may murang paraan para palakihin ang kanilang ari, ay naengganyo silang subukan ito.

Ang kapitan daw umano ng bangka ang mismong nagturok ng petroleum jelly sa kanilang mga ari noong 2018.

Noong una ay tila natupad naman ang hiling ng 15 mister na lumaki pa ang kanilang ari.

Ngunit nang makapanayam ng KMJS ang ilan sa mga misis nila ay nagreklamo ang mga ito.

Simula raw kasi ng magpaturok ng petroleum jelly ang kanilang mga asawa ay lumaki nga ang kanilang ari pero naging masakit naman ang kanilang pagtatalik.

Kuwento ni alyas Cherry, “Masakit po kasi lumalaki po talaga siya tapos nilalagyan lang po ng lotion para talagang magkasya lang po.”

big 15

Ang Big 15 o ang 15 mister mula sa Malabon na nagpaturok ng petroleum jelly sa ari / Source: KMJS

At isang taon matapos ang pagpapaturok ng petroleum jelly, nagkaroon pa ng mas malaking problema.

Nagsimula kasing magkaroon ng mga bukol at sugat ang ari ng kanilang mister, at pati ang kanilang pag-ihi ay naging putol-putol.

Reklamo ni alyas Kaloy, “Kapag umiinit 'yung katawan ko, namamaga na siya.”

At ayon naman kay alyas Tomas, “Parang abot na hanggang buto 'yung kirot.”

Kaya naman dumulog sila sa KMJS tungkol sa kanilang kinakaharap na problema.

Panoorin ang kanilang kuwento sa video sa ibaba.

Para sa iba pang kuwento tulad nito, manood ng Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo, 8:40 p.m. sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Related content:

Bro. Bo Sanchez, inalala ang COVID-19 battle: "Lord, ito na ba? Ito na ba 'yung kukunin mo na ako?"

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.