Filtered By: Showbiz News | News
rochelle pangilinan and ervic vijandre
Showbiz News

Rochelle Pangilinan, gaganap na triplets sa bagong 'Wish Ko Lang' episode

By Racquel Quieta
Nahirapan ba si Rochelle Pangilinan na gumanap bilang triplets na magkasalo sa iisang mister?

Nakakaloka ang episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, May 22, na pinamagatang 'Triplets.'

Tungkol kasi ito sa triplets na magiging magkasalo sa iisang mister.

At ang mas lalong nakakaloka ay si former SexBomb dancer at 'Daisy Siete' star Rochelle Pangilinan ang gaganap bilang triplets.

Sa isang panayam inamin ni Rochelle na napaka-challenging ng kanyang roles bilang ang triplets na sina Carina, Carmen at Cassandra.

rochelle pangilinan and ervic vijandre

Rochelle Pangilinan at Ervic Vijandre sa 'Triplet's episode / Source: Wish Ko Lang

"Oh my gosh! Mahirap siya, physically and mentally. Actually hindi siya kumportable gawin.

“Lalo na first time kong gawin ang role na 'to na triplets."

Ikinumpara rin ni Rochelle ang pagganap niya noon sa 'Daisy Siete' bilang kambal sa kanyang role ngayon sa bagong 'Wish Ko Lang' episode bilang triplets.

“Noon ginawa ko twins, pero 'Daisy Siete' pa 'yon.

“Pero ngayon triplets, medyo talagang mahirap talaga siya. Hindi nga siya kumportable, pero out-of-the-box.”

Inilahad din ni Rochelle kung paano siya napapayag na gumanap bilang triplets.

“Tinanggap ko pa rin kasi challenging para sa'kin 'yung role, at siyempre gusto kong mag-grow as an actress.

“Masarap may bagong ginagawa. At feeling ko naman nagawa ko siya at sana magustuhan ng mga viewers 'yung mapapanood nitong triplets. Sana!”

Dagdag pa ni Rochelle, “Grabe 'to, Intense na Rochelle Pangilinan ang mapapanood n'yo rito.”

Sa istorya ng 'Triplets' episode, mapipilitang manirahan sa iisang bahay ang triplets na sina Carina, Carmen at Cassandra (Rochelle Pangilinan) kahit na sila'y matagal nang may alitan.

Magkakaroon kasi ng malubhang sakit ang kanilang ina na sa Odessa (Tanya Gomez).

Noon pa man ay babaero na ang mister ni Carmen (Rochelle Pangilinan) na si Alonzo (Ervic Vijandre).

Ngunit 'di niya inakalang pati mga kapatid niyang sina Carina at Cassadra (Rochelle Pangilinan) ay papatusin rin ng kanyang mister.

Kasama rin sa 'Triplets' episode sina Miggy Tolentino na gaganap bilang Greg, ang kaibigan ni Alonzo at si Therese Malvar na gaganap bilang ang kasambahay na si Myrna.

Alamin kung ano'ng kaguluhan ang mangyayari kapag nabuko na ni Carmen na pati mga kapatid niya ay nilalandi ng kanyang mister, at kung paano bibigyan ng magandang bagong simula ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales ang kanilang pamilya.

Huwag palampasin ang 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Balikan ang isa pang kuwento ng pangangaliwa ng isang mister na pinutulan ng kanyang misis sa gallery sa ibaba.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.