GMA Logo Le Chazz
What's Hot

Komedyanteng si Le Chazz, pumanaw na

By Al Kendrick Noguera
Published May 1, 2021 8:42 PM PHT
Updated May 1, 2021 8:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

YouTuber Vitaly on Philippine imprisonment: 'They really tried to break me, but it built me'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Le Chazz


Pumanaw ang komedyanteng si Le Chazz ngayong araw, May 1.

Pumanaw ang komedyanteng si Le Chazz, na may tunay na pangalan na Richard Yuzon, ngayong araw, May 1.

Le Chazz

Photo courtesy of Richard Vargas Yizon (FB)

Kinumpirma ito ng kanyang malalapit na kaibigan sa industriya tulad nina Ate Gay at Jobert Sucaldito.

Saad ni Jobert, "Ang isa sa pinakamamahal kong anak-anakang si Le Chazz (Richard Vargas Yuzon) ay lumisan na. Nawa'y sumalangit ang kanyang kaluluwa. Maligayang paglalakbay anak. Magkasama na kayo ng papa mo sa langit."

Sa ngayon ay hindi pa alam ang sanhi ng pagkamatay ni Le Chazz.

Nito lamang Pebrero ay bumisita si Le Chazz sa programa ni Willie Revillame na Wowowin.

Panoorin ang kanyang huling guesting sa Kapuso variety show sa video na ito:

Samantala, narito ang ilang pang mga komedyante na pumanaw na.