Richard Yap, pinaghahandaan na ang lock-in taping ng 'I Left My Heart in Sorsogon'
Dahil sa pagdami ng cases ng COVID-19, wala pang kasiguraduhan kung kailan matutuloy ang month-long lock-in taping ng upcoming Kapuso show na I Left My Heart in Sorsogon pero naghahanda na ng kanyang mga dadalhin si Richard Yap.
Si Richard ang isa sa dalawang leading men ni Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista sa seryeng isu-shoot sa Sorsogon.
"Ako nagpapapayat ako kasi si Heart is very petite, baka masyado akong malaki tingnan kapag katabi ko siya.
"So kailangan magpapayat muna ako, 'yun ang main goal ko before the lock-in taping," pagbibiro ni Richard nang makausap ng GMANetwork.com sa Kapuso Brigade Zoomustahan event, kung saan niya sinorpresa ang mga miyembro nito.
Sa isang panayam kay Heart, sinabi niyang kung may isang bagay siya na pwedeng dalhin sa lock-in taping ay 'yun ang kanyang inampong aso na si Panda.
Ano naman kaya ang kay Richard?
"Sa akin, mostly siguro 'yung iPad ko because that's where I work para makatrabaho pa rin ako doon sa office and all that," sagot ni Ricahrd.
"And then also my workout stuff like 'yung mga workout bonds, and yoga mats and all that."
Sinorpresa ng aktor na si Richard Yap ang ilang miyembro ng Kapuso Brigade kahapon, April 6, sa pamamagitan ng Zoom.
Dahil sa Sorsogon ang set ng istorya nina Heart at Richard, siguradong ipapakita ang ilan sa tourist destination ng probinsya.
Habang hindi pa pinapalabas, libutin muna ang Sorsogon kasama si Heart dito sa gallery na ito:
Abangan ang I Left My Heart in Sorsogon ngayong 2021 sa GMA Telebabad.
Related links:
Richard Yap on Heart Evangelista: 'I always look up to her'
Heart Evangelista to have two leading men in 'I Left My Heart in Sorsogon'