Claire Dela Fuente, pumanaw na sa edad na 63
Pumanaw na ang beteranong mang-aawit na si Claire Dela Fuente sa edad na 62 dahil sa "cardiac arrest."
JUST IN: Beteranang singer na si Claire de la Fuente, pumanaw na dahil sa cardiac arrest. pic.twitter.com/abgXAe5N9l
-- DZBB Super Radyo (@dzbb) March 30, 2021
Kinumpirma ng anak ni Claire na si Gregorio Angelo "Gigo" de Guzman na namatay ang kanyang ina kaninang umaga, March 30.
Nasa ospital si Claire dahil nag-positibo ito sa COVID-19. Bukod rito, mayroon ding anxiety, hypertension, at diabetes si Claire, ayon kay Gigo.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang celebrities sa pagkamatay ni Claire.
Sulat ng komedyanteng si Wacky Kiray sa isang tweet, "Rest in peace miss claire dela fuente.. salamat sa magandang musika na iyong binahagi sa amin."
Rest in peace miss claire dela fuente.. salamat sa magandang musika na iyong binahagi sa amin 🙏🙏🙏 pic.twitter.com/xeo37BBQ6t
-- Wacky Kiray (@wackykiray) March 30, 2021
Bumuhos rin ng pakikiramay ng netizens para sa pamilya ni Claire, na tinaguriang Karen Carpenter of the Philippines.
Rest in Peace, OPM icon Claire Dela Fuente. 🙏🏻
-- carlo yanesa ♫♫♫ (@karlangel_rocks) March 30, 2021
Another music icon passed away. Rest in peace, Tita #ClaireDelaFuente. You will be missed but your legacy and music remains.
-- Mark Raven Dominguez (@akoposimarkynyo) March 30, 2021
Rest In Peace Karen Carpenter ng Pilipinas. Salamat sa musika Ms. Claire Dela Fuente. 😭😭😭
-- 🐖MOMON🐖 (@MOMONNNNN__) March 30, 2021
Credit goes to George Canseco for discovering Claire dela Fuente at UE, when he was searching for a singer with a Karen Carpenter-like voice to sing the HOPE jingle.
-- Monchito Nocon (@ramonocon) March 30, 2021
RIP Ms. Claire dela Fuente...
-- xiaman (@xiaman013) March 30, 2021
Rest In Peace, Claire Dela Fuente 🕊 You were a diva & a legend. You will always be loved. Sayang! 🙏❤
-- Deo Enalpe 🇵🇭 (@deoenalpe_phl) March 30, 2021
Isa si Claire sa tinaguriang Jukebox Queens noong 1980s na nagpauso ng mga kantang "Sayang," "Nakaw Na Pag-Ibig," at "Minsan Minsan."
Nitong 2020, nasakangkot ang anak ni Claire na si Gigo sa pagkamatay ni Christine Dacera.
Bukod sa pagiging singer, may restaurant din si Claire sa Pasay City, ang Claire Dela Fuente Grill and Seafood Restaurant.
Rest in peace, Claire.
Samantala, kilalanin pa ang ilang celebrities na namatay dahil sa sakit sa puso DITO: