Filtered By: Showbiz News | News
EA Guzman
Showbiz News

EA Guzman on his EDDY nod: "Napakasarap ng feeling"

By Cara Emmeline Garcia
Updated On: March 19, 2021, 05:27 PM
Malaki ang pasasalamat ni EA Guzman na masama sa mga nominado para sa Best Supporting Actor sa EDDYs (The Entertainment Editor's Choice).

Isa si Kapuso actor Edgar Allan Guzman sa mga nominado sa gaganaping EDDYs (The Entertainment Editor's Choice) ngayong taon para sa kanyang role sa pelikulang Coming Home.

Kaya naman bago pa ganapin ang nasabing awards night via livestream, malaki na kaagad ang pasasalamat ng aktor sa mga sumuporta sa kaniya.

Aniya sa GMA Network via text message, “First of all, I would like to thank the Society of Philippine Entertainment Editors for the Best Supporting Actor nomination sa pag-recognize ng trabahong ginawa ko sa [pelikulang] Coming Home.

“Napakasarap sa feeling. Unexpected 'to para sakin at isang karangalan ding mahanay sa mga magagaling na mga aktor tulad nina Ricky Davao, Zanjoe Marudo.”

Bitiw pa niya, “Sa lahat ng mga nominees, good luck and congrats sa ating lahat.”

Ang Coming Home ay isa sa mga proyekto ni Edgar Allan Guzman noong 2020, na naantalang ipalabas sa mga sinehan dahil sa COVID-19 pandemic.

Kaya naman para kay EA, isang malaking parangal para sa kanya na mapabilang sa nominasyon lalo na't ito ang kauna-unahan niyang family movie kasama ang ilang premyadong aktor tulad nina Sylvia Sanchez at Sen. Jinggoy Estrada.

“Maraming 'first time' para sakin dito,” wika niya.

“First time ko magkaroon ng family movie. First time ko makatrabaho si Shaira Diaz, Ms. Sylvia Sanchez, Sen. Jinggoy Estrada, and Martin Del Rosario sa movie.”

Dagdag pa ni EA, “Memorable para sakin yung role ko dito dahil malapit sa totoong buhay ko.

“Panganay na mahal na mahal ang pamilya. Sila yung naging inspirasyon ko sa buhay. Talagang 'yung bawat linya tagos sa puso.

“Minahal ko nang sobra yung role ko dito. Drama talaga s'ya… 'Ensemble acting' kumbaga.

“Grabe 'yung tulong ng co-actors ko dito para magawa ko ng maayos yung mga eksena. Sana mabigyan ulit ako ng chance to work with them again.”

Maliban kay EA, ang ilang nominado sa Best Supporting Actor ay sina Ricky Davao (Sunday Night Fever), Matteo Guidicelli (On Vodka, Beers, and Regrets), Zanjoe Marudo (Isa Pang Bahaghari), at Enzo Pineda (He Who Is Without Sin).

Panoorin ang teaser trailer ng Coming Home dito:

Kabilang si EA sa cast ng upcoming GTV show na Heartful Cafe, ang pagbibidahang serye nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.