Filtered By: Showbiz News | News
 Jessica Villarubin
Showbiz News

Jessica Villarubin, nakaka-relate sa kanyang debut at victory single na "Ako Naman"

By Cherry Sun
Updated On: March 14, 2021, 02:18 PM
Unang inawit ni Jessica Villarubin ang composition ni Christian Bautista na “Ako Naman” nang siya ang tanghaling grand champion sa season 3 ng 'The Clash.'

Mahalaga ang kantang “Ako Naman” para kay Jessica Villarubin, hindi lamang dahil ito ang kanyang victory song at ngayo'y debut single, ngunit dahil na rin tila ikinukuwento nito ang kanyang pinagdaanan sa buhay.

Jessica Villarubin

Photo credits: @rapyuphotos

Nakilala si Jessica bilang ang “Power Cebuana Diva” sa The Clash Season 3 kung saan itinanghal siya bilang grand champion.

Bilang kanyang victory celebration sa programa, kinanta niya for the first time ang “Ako Naman,” isang original composition ng Asia's Romantic Balladeer at Kapuso star na si Christian Bautista.

Ngayong araw, March 14, ini-release ang kanta bilang debut single ni Jessica at muli niya itong kinanta sa All Out Sundays.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sa bagong Kapuso star at GMA Music artist, inamin niyang may kurot ang kanyang kanta dahil nakaka-relate siya rito.

Ani Jessica, “Actually po noong binigay sa akin 'yung kanta 'tsaka prinactice ko pa, 'yung lyrics niya parang, parang may ibang parts na nare-relate ko siya sa self ko, sa journey ko noong before ako sumali hanggang nanalo ako kasi… Meron doon parang 'Kay tagal ng aking hinintay, makamtan lamang ang tamis ng tagumpay.' 'Yun part na 'yun parang ang tagal ko ring naghintay na mangyayari 'to sa buhay ko, makasali ako sa isang malaking competition kasi ang dami ko ngang failures na napagdaanan.

“Minsan nga kinu-question ko nga si God eh, parang 'Ano ba ang kailangan kong gawin para makapasok ako, para makakanta ako sa ganoon?' Minsan nga parang naisip ko na parang nawalan na din ako ng pag-asa. Ang tagal kong naghintay bago ko nakamit. Parang ganun.”

Isa pang linyang tagos sa puso para kay Jessica ay ang "Marami akong iniwanan upang makarating kung nasa'n ka man."

“Parang nare-relate ko rin siya kasi may mga iniwan ako sa Cebu, nag-resign ako sa work ko. Sabi ko talaga, parang super relate din talaga ako sa kanta. Ako naman, parang ako naman mahalin mo. Super happy naman po ako sa kinompose po ni Sir Christian kasi naka-relate din po ako sa kanta eh. Parang story ko po.”

Ang “Ako Naman” ay available na rin for download at streaming sa iba't ibang digital music platforms worldwide.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.