Filtered By: Showbiz News | News
Movies on GMA News TV
Showbiz News

'A Man Called Tolongges' at iba pang Pinoy comedies, tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Siguradong mapapatawa kayo ng 'A Man Called Tolongges' at iba pang Pinoy comedies ngayong weekend sa GTV.

Matinding tawanan na naman ang hatid ng mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend!

Movies on GMA News TV


Sa February 27, panoorin ang 2006 film na unang tambalan ni Philippine Comedy Concert Queen Aiai delas Alas at Ramon "Bong" Revilla Jr. sa Kapag Tumibok Ang Puso: Not Once, But Twice sa Sine Date Weekends, 11:00 am.

Ang pelikula din ang film debut ni Lara Quigaman na kapapanalo pa lang noon bilang Miss International 2005.

Huwag ding palampasin ang action-comedy na A Man Called Tolongges, 2:00 pm sa Afternoon Movie Break.

Tampok dito ang singer, stand-up comedian, actor at Pinoy hip-hop artist na si George "Dyords" Javier bilang si Tolongges, isang bounty hunter.

Maaatasan silang iligtas ang asawa ng isang mayamang lalaki na na-kidnap ng dating nobyo nito.

Kaya naman sasabak siya sa misyon kasama ang mga alalay na sina Zapatatem na gaganapan Cachupoy at Arizona Gid na role naman ni Redford White.

Magtagumpay kaya sina Tolongges para makuha ang reward na ipinangako sa kanila?

Tuloy naman ang adventure sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Ang Panday 2, 5:30 pm sa Saturday Cinema Hits. Tampok dito sina Ramon "Bong" Revilla Jr., Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Phillip Salvador, at Eddie Garcia.

Sa February 24 naman, balikan ang 2013 romantic drama film na Sana Dati sa Sine Date Weekends, 12:00 pm.

Pagbibidahan ito nina Lovi Poe na gaganap bilang isang babaeng malapit nang ikasal sa taong hindi niya mahal.

Magkakalong live action at animation naman ang mapapanood sa Isko: Adventures in Animasia sa Afternoon Movie Break, 2:00 pm. Tampok dito sina Ogie Alcasid, Michelle van Eimeren at Michael V.

Susundan ito ng action-comedy film na Iputok mo... Dadapa ako! (Hard to Die) nina Vic Sotto at Master Rapper Francis Magalona, 4:00 pm.

Para naman sa mahilig sa horror, huwag palampasin ang Wolves at the Door, 8:45 pm sa The Big Picture.

Kuwento ito ng ng apat na magkakaibigan na magdadaso ng isang isang farewell get together pero guguluhin ng mga misteryosong taong hindi nila kilala.

Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.