GMA Now, thumbs up para sa mga Kapuso leading men
Nagbigay ng thumbs up ang ilang Kapuso leading men matapos nilang i-unbox ang mga natanggap na GMA Now, ang mobile digital TV receiver ng GMA Network.
Maaaring ikabit ang GMA Now sa isang Android device para makapanood ng telebisyon, live at on the go. Hindi na rin kailangan ng internet connection para dito.
Ang bagong kasal na si Rocco Nacino, nagbahagi ng isang maikling video sa kanyang Instagram account para ipikita kung paano i-install at i-set up ang GMA Now.
"Introducing the GMA Now! On the go watching of your favorite @gmanetwork shows made easier! Saksak lang, at larga na! Panoorin kung paano ko na-install ang aking @gmanow ! #GMANOW," sulat niya.
Mapapanood sa video na nag-install siya ng GMA Now app sa kanyang smartphone, isinaksak ang GMA Now dongle gamit ang kasamang adaptor para sa USB type C, ikinabit ang antenna at sinimulang manood ng isang palabas.
Ibinida naman ni Edgar Allan Guzman ang ilang interactive features ng GMA Now.
"Sa exclusive interactive features, gamit ang internet connection, puwedeng mag-stream ng GMA Videos, sumali sa mga games at promos, and makipag-chat with your friends, and get show updates on Groupee," sulat niya.
Natutuwa naman si Martin Del Rosario dahil maraming channels din ang nasasagap ng GMA Now.
"Gamit ang iyong Android phone, puwede ka nang manood ng GMA, GMA News TV (na ngayong ay tinatawang nang GTV), Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV at lahat ng available free-to-air channels sa inyong lugar for free," bahagi niya.
Masaya naman si Dave Bornea na maaari nang mapanood ang kanilang bagong GMA Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat gamit ang GMA Now.
"Pwede n'yo na rin panoorin dito ang aming bagong teleserye tuwing hapon titled “Babawiin Ko Ang Lahat.” Maraming salamat, mga Kapuso!" aniya.
Hinikayat naman ni Chinito cutie Manolo Pedrosa na subukan ng kanyang followers ang GMA Now.
"Available ang GMA Now online and in stores for 649 pesos. For details visit us on Facebook GMA Now, Twitter, and Instagram," aniya.
Para sa iba pang detalye, bumisita lang sa official site ng GMA Now o i-follow ang official social media accounts nito sa Facebook, Instagram, and Twitter.
Puwede ring kayong dumiretso sa official GMA Store sa Shopee at Lazada.