Sanya Lopez at 'First Yaya' stars, nasa La Union para sa second leg ng lock-in taping
Sumabak na muli sa lock-in taping ang cast ng First Yaya na pinangungunahan ni Sanya Lopez. Pero para sa kanilang second leg, bumiyahe ang mga artista upang mag-shoot sa La Union.Kita sa Instagram posts ng First Yaya stars na back to work na sila para sa upcoming Kapuso rom-com series. Ngunit kahit balik-trabaho na, nakakasingit pa rin sila nang kaunting katuwaan at pahinga.
Mapapanood sa video ni Sanya ang kanyang TikTok dance routine sa beach kasama ang kanyang leading men na sina Gabby Concepcion at Pancho Magno.
Aniya, “Yessss napasayaw ko din yan mga yan siyaaaa @concepciongabby @magnopancho.”
Habang ini-enjoy din ng Kapuso actress ang magandang view sa probinsya, ramdam naman ang summer sa mga litrato nina Gabby, Pancho, Cassy Legaspi, Maxine Medina, Thia Thomalla, Kakai Bautista at iba pa nilang co-stars.
Pansin din ang pagiging malapit ng cast members sa isa't isa.
Unang sumabak sa lock-in taping ang cast ng First Yaya noong November 2020. Ito ang naging unang pagkikita nina Sanya at Gabby sa personal.
Kabilang din sa stellar cast ng Kapuso rom-com series sina Pilar Pilapil, Gardo Versoza, Sandy Andolong, Buboy Garovillo, Thou Reyes, Glenda Garcia, Analyn Barro, JD Domagoso, Anjo Damiles, Jerrick Dolormente, Cai Cortez, Kiel Rodriguez, Jhenzel Angeles, at Clarence Delgado.
Silipin ang mga kaganapan sa kanilang unang lock-in taping sa gallery sa ibaba: