Filtered By: Showbiz News | News
kapuso mo jessica soho
Showbiz News

KMJS: Lalaki, sampung beses nagparetoke dahil sa bullying

By Bianca Geli
Updated On: January 25, 2021, 08:30 PM
Palaging tinutukso noon si Michael Bristol dahil sa kanyang hitsura, kaya sumailalim siya ng sampung retoke para makaamit ang hinahangad niyang mukha.

Bata pa lang si Michael Bristol, tampulan na raw siya ng tukso dahil sa kaniyang itsura.

Dahil dito at sa kagustuhan niyang makakuha ng hosting gigs, napagdesisyunan niyang ipagawa ang kanyang tenga at ilong. Hanggang ang pagpaparetoke niya, umabot na ng sampung beses.

Katagalan ay nakuha na rin ng events host na si Michael ang minimithi niyang itsura.

Naging tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang glow-up journey ni Michael.

Nagsagawa ng social experiment ang KMJS kung saan pinapili ang ilang netizens kung sino ang mas pipiliin nila sa dalawang events host.

Hindi nila alam, na ang dalawang pinagpilian nilang events host, ay iisang tao lamang. And before and after look ni Michael.

Kuwento ni Michel sa KMJS, "I remember noong hindi pa ganito 'yung ayos ng mukha ko, sabi ko sa sarili ko, 'Bakit ganito? Magaling naman akong mag-host.' Magaling akong magsalita pero wala akong trabaho.

"Until I realized, kasi I look different. I need to improve because it's not just the voice that most people would like to hear when they go to events.

"'Yun 'yung nagtulak sakin na kailangan talaga merong akong ipaayos o ipagawa."

Dito nagsimula ang sunod sunod na cosmetic surgery ni Michael.

Dahil laging tinutukso na mukhang daga, una niyang ipinaayos ang kaniyang tenga. Sunod na nagpaayos ng ilong.

Sumunod ang kaniyang pagpapaayos ng baba, pagpapalagay ng dimples, at pagpapa-contour ng panga.

Pati ang kaniyang labi, pinalagyan niya ng lip fillers. Plakado rin ang kaniyang eyebrows na mala Korean style.

At para sa kaniyang perfect smile, nagpakabit siya ng veneers.

Hanggang sa ang kaniyang cosmetic surgeries umabot na ng sampu at halos isang milyong piso.

Nagbunga naman ang kaniyang mga sakripsyo dahil lumakas ang hosting gigs niya matapos ang mga cosmetic surgeries.

Kuwento ni Michael, "Before the pandemic, 'yung mga gig ko minsan sa isang araw, dalawa. Isa sa tanghali, isa sa gabi.

"May mga lumalapit pa at gustong magpa-picture. I was able to host a lot of local and international pageants and travel around the world to host.

Bagamat naghilom na ang kaniyang mga sugat dahil sa kaniyang mga operasyon, ang mga alaala ng kaniyang nakaraan ay bumbabalik pa rin sa kaniya.

Bata pa lamang si Michael, tampulan na raw siya ng mga tukso.

Saad niya, "I get tired of people asking me kung may pinagawa ba ako.

"Nakakapagod magtanong ang mga tao tapos paulit ulit lang din 'yung isasagot ko sa kanila.

"So, I decided to tell them what I've experienced. I was thinking it might compromise my career. I might get bullied, again.

"Is there anything I can do to please everyone? Kapag nababasa ko 'yung mga masasakit na salita, I just close my eyes and I pray to God, sana i-enlighten niya 'yung mga taong 'yan, magisip sila bago sila mag-comment."

Panoorin ang espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

KMJS: The Christine Dacera case

WATCH: Top 'KMJS' stories of 2020

Samantala, narito ang ilang celebrities na umaming nagparetoke:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.