GMA Logo Royette Padilla
What's Hot

Royette Padilla, pumanaw sa edad na 58

By Marah Ruiz
Published January 9, 2021 5:23 PM PHT
Updated January 9, 2021 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Royette Padilla


Pumanaw na ang aktor na si Royette Padilla sa edad na 58 dahil sa atake sa puso.

Pumanaw na ang aktor na si Royette Padilla sa edad na 58.

Photos courtesy of Royette Padilla (FB)

Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Rebecca Padilla sa isang Facebook post.

"Please whisper a prayer for our brother Royette Padilla. A silent prayer for his eternal peace, please," sulat niya.

Atake sa puso ang ikinamatay nito, ayon sa veteran showbiz writer na si Noel Ferrer.

Si Royette ang pinaka matandang kapatid ng mga artistang sina Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari o mas kilala sa dating niyang pangalang Rustom Padilla.

Kabilang sa kanyang mga pamangking artista din ay sina Kapuso actress Kylie Padilla, RJ Padilla, at Daniel Padilla.

Lumabas naman si Royette sa ilang mga pelikula tulad ng Alab ng Lahi noong 2003 at Di na natuto (Sorry na, puede ba?) noong 1993.