Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Glaiza de Castro says fiancé David Rainey asked for her parents' permission to marry her

By Dianara Alegre
Ibinahagi rin ni newly-engaged actress Glaiza de Castro ang ilang detalye ng kanilang magiging kasal ni David Rainey.

Engaged na si Encantadia star Glaiza de Castro sa Irish boyfriend niyang si David Rainey matapos mag-propose ng huli sa aktres sa Ireland nitong Huwebes, December 24.

Nasa Ireland si Glaiza para roon magdiwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ng ngayon ay kanya ng fiancé.

Sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ikinuwento ng aktres ang detalye ng kanyang engagement.

Source: glairedux (IG)

Aniya, hindi niya inisip na magpo-propose ng kasal si David nang yayain siya nitong mag-breakfast sa isa sa mga paboritong lugar ng fiancé niya sa Ireland.

“Until finally after namin kumain nang kaunti tapos lumipat kami ng area kung saan mas sheltered, mas medyo hindi ganoon kalamig, nagpatugtog siya.

"Ito 'yung song kung paano kami nagkakilala. Ito 'yung song na tinanong ko nu'ng time na nasa Siargao ako kung sino ang nagpapatugtog.

“And then finally tinanong niya na, 'Can I ask you something?' Ganyan. 'Yan na 'yung parang nag-hit sa akin na, 'Oh my gosh! Ito na 'yon!'

“Tapos naiyak na 'ko. Tapos lumuhod na siya and 'yon tinanong niya na ako,” aniya.

Ibinahagi rin ng singer-actress na hiningi muna ni David ang basbas ng kanyang mga magulang bago siya nito niyayang magpakasal.

“Before pala ako pumunta rito, humingi na siya ng blessing. Tumawag siya sa nanay at tatay ko,” dagdag pa niya.

Source: glairedux

Nang tanungin kung kailan nila balak magpakasal, sabi niya, “Definitely hindi pa sa 2021 pero baka after na po. We're still taking our time. Hindi naman kami masyadong nagmamadali especially may mga work pa na nag-aantay na.”

Lahad pa ni Glaiza, maraming trabahong naghihintay sa kanya pagbalik niya sa Pilipinas.

“Actually pag-uwi ko ng Philippines, mga ilang araw may gagawin na po akong bagong project,” aniya.

Kahit wala pang konkretong petsa ng kasal ay sigurado naman umano sina Glaiza at David na sa Pilipinas idaos ang event.

“Sa Philippines pero I would say na very simple lang kasi simple lang naman kami pareho. It's definitely not gonna be a grand wedding. Basta nandu'n lahat ng mga importanteng tao, friends, and family. 'Yun na 'yon,” anang aktres.

Noong February 2019 ay pumunta sa England si Glaiza para sa 30th birthday ni David at para na rin makilala ang pamilya nito.

Pumunta rin sa bansa si David noong first half ng 2020 at dito na naabutan ng community quarantine.

Naging opisyal na magkasintahan sina Glaiza at David noong September 2018. Isinapubliko naman nila ang kanilang relasyon nang dumalo ang huli sa isang high-profile event kasama ang Kapuso star.

Silipin ang ilan sa cutest photos nina Glaiza at David sa gallery na ito:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.