Dennis Trillo on Legal Wives
TV

Dennis Trillo, nilinaw ang magiging tema ng 'Legal Wives'

By Aedrianne Acar
Updated On: June 2, 2021, 03:32 PM
Aminado si Dennis Trillo na noong una ay iba ang dating sa kanya ng titulong 'Legal Wives,' "Medyo 'yung title kasi noong show niya parang 'pag narinig mo, iisipin mo..."

Isang dekalibreng istorya ang handog ng GMA Network sa 2021 sa upcoming series na Legal Wives.

Photos taken from At Home with GMA Regional TV

Bibida rito ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo, na gaganap bilang Ishmael.

Bibigyan buhay naman ang tatlong asawa ng Maranaw na si Ishmael nina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Sa exclusive interview ni Resci Razada sa At Home with GMA Regional TV, nagkuwento si Dennis ng mangyayari sa Legal Wives.

Saad niya, “Ayun, excited kami na ibalita sa inyo na magkakaroon kami ng bagong show it's titled Legal Wives.

"Medyo 'yung title kasi noong show niya parang 'pag narinig mo, iisipin mo tungkol siya sa mga kabit-kabit.

“Pero hindi siya ganoon, ako noong una ganoon din iniisip ko, pero nung nabasa ko 'yung kuwento na-in love ako dahil nakita ko 'yung kultura ng mga kapatid natin na Muslim.

"At na-in love din ako sa mga characters nila, dahil pinakita doon 'yung talagang mga beliefs nila, 'yung kultura,”

Dagdag pa ng magaling na Kapuso actor, “Ang role ko dito, ang pangalan ko is Ishmael, nagkaroon ako dito ng tatlong asawa--tatlong henerasyon ng mga babae.

“Isang mas matanda sa akin, isang ka-edad ko, at isang mas bata.

"Lahat 'yun ay hindi ko naman siya pinili pero nangyari lang dahil sa pagkakataon, dahil sa sitwasyon na kinasangkutan ko.”

Muslim culture

Ayon kay Dennis, hangad programa na mas lalong makikilala at matutunan pa ang kultura ng Muslim community.

Paliwanag niya, “Siyempre dito, sa kuwentong ito, mag-iiba 'yung dynamics kasi sa kultura ng mga Muslim--sa relihiyon posible ka magkaroon nang asawa, hindi lang isa di ba basta makakapagbigay ka ng pantay na suporta at pagmamahal sa bawat isa like, capable kang gawin 'yun.

“So, medyo mag-iiba 'yung dynamics ng sitwasyon na legal 'yung ganoong set up, so exciting and bukod doon sa ganoong sitwasyon, mas makikilala n'yo 'yung mga kapatid nating Muslim.

“Siyempre, nandito kami para i-entertain at the same time i-educate din 'yung mga kababayan natin para mas makilala natin sila at mas mamahalin natin sila, 'pag nalaman natin 'yung kuwento.”

Kumusta naman kaya na magkatrabaho ang tatlong nagagandahan at nakakabilib na legal wives niya sa Kapuso soap?

Alamin ang sagot ni Dennis sa video na ito:

Heto naman ang paunang silip sa lock-in taping ng GMA Telebabad cultural drama series na Legal Wives:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.