Filtered By: Showbiz News | News
Ritz Azul
Ritz Azul
Showbiz News

Ritz Azul, na-witness nang masapian ang kanyang high school classmate

By Aaron Brennt Eusebio
Alamin ang na-experience ni Ritz Azul noong high school retreat nila sa Baguio DITO.

Kinuwento ng aktres na si Ritz Azul na nakakita na siya nang taong sinasaniban noong high school retreat nila sa Baguio.

Sa nangyaring digital conference ng The Missing, kinuwento ni Ritz ang kanyang nasaksihan.

Paglalahad niya, "May nangyari na [paramonal activity] sa akin nung high school ako. May kuwento na akong na-experience na ganyan."

"Sinaniban 'yung ka-klase ko, sobrang wild kasi retreat house siya non sa Baguio.

"So I think 'yun 'yung ayoko na makita dahil kawawa, e. Kawawa 'yung sinasaniban.

"Parang napi-feel ko sa kanya na ang hina din ng faith niya. Sana lumakas 'yung faith ng bawat tao para hindi na natin ma-experience 'yung mga sanib sanib na ganun."

Samantala, ang co-star naman ni Ritz sa The Missing na si Joseph Marco ay nakaranas ng sleep paralysis noon dahil sa sobrang pagod.

Kuwento ng aktor, "Ako, hindi ako lapitin ng paranomal experiences but I've had [one] where na-experience ko 'yung sleep paralysis."

"Sa sobrang pagod, I felt like there's a giant man trying to get my comforter so I started praying about my family. Kasi feeling ko that's it."

Dagdag ni Joseph, sobrang pagod niya noong ma-experience niya ang sleep paralysis.

Kuwento niya, "Naalala ko galing ako sa taping nun tapos nag-sportsfest ako. So talagang pagod na pagod ako medyo nasagad ko 'yung katawan ko and at that point, gising ako pero blurry 'yung paningin ko, tapos hindi ako makabangon."

"And I was panicking. I felt like I was dying. So that's why I started praying na, 'Kayo na po bahala sa family ko.' Umabot na ako sa ganung level.

"But thankfully, hindi pa naman nangyayari ulit and I don't plan to overdo it again, na i-push ko 'yung katawan ko."

Sa pelikula, ginagampanan nina Ritz at Joseph ang ex-lovers na sina Iris at Job na muling nagkita dahil sa isang restoration job sa Saga, Japan.

Panoorin ang full trailer ng The Missing:

READ: Here's a step-by-step guide on how to watch this year's MMFF online

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.