Kapuso shows at personalities, pinarangalan sa Paragala: Central Luzon Media Awards
Pinarangalan ang ilang Kapuso shows at personalities sa ika-pitong Paragala: Central Luzon Media Awards ng Holy Angel University.
Pinipili ang mga mananalo ng iba't ibang parangal dito sa pamamagitan ng isang voting body na binubuo ng 30,000 estudyante mula sa 31 paaralan sa Central Luzon.
Hinirang Best News Progam and flagship newscast na 24 Oras.
Best Magazine Show naman ang Biyahe Ni Drew habang Best Documentary Programang I-Witness episode na "Silaki" ni Kara David.
Pasok din sa Top 7 News Personalities sina Arnold Clavio, Atom Araullo, Ivan Mayrina, Kara David, Mel Tiangco at Mike Enriquez.
Ilang special awards din ang nasungkit ng iba't ibang shows ng GMA Network.
Nakuha ng I-Juander and Paragala Pang-Kultura na Jury's choice ng Center for Kapampangan Studies.
Paragala Pampamilya naman ang iginawad sa Pepito Manaloto. Ito ang Jury's choice ng Holy Angel University's Campus Ministry and Guidance Office.
Napunta naman ang Paragala Pang-Likhaan sa AHA! na Jury's choice by the Communicator's League, ang opisyal na organisasyon ng Communication students ng Holy Angel University.
Hinirang ang gabi ng parangal ngauong December 12 sa isang virtual ceremony.
Congratulations, mga Kapuso!