Kuwento ng tsismosa, tampok sa bagong 'Wish Ko Lang'
Mahilig ka ba sa tsismis o ikaw ang paboritong pagtsismisan ng mga kapitbahay o katrabaho mo? Kahit alin ka man sa dalawa, tiyak makaka-relate ka sa 'Tsismosa' episode ng bagong Wish Ko Lang mamaya.
Lovely Rivero sa 'Tsismosa' episode ng bagong 'Wish Ko Lang' / Source: Wish Ko Lang
Ang 'Tsismosa episode ay tungkol sa pamilyang susubukin ng tsismis nang minsang may babae (Coleen Perez) na ipagkakalat na nabuntis siya ng kanilang padre de pamilya (Gardo Versoza).
Ang beteranong aktres na si Lovely Rivero ang gaganap bilang ilaw ng tahanan na maaapektuhan nang husto ng tsismis na ito.
Kasama rin niya sa 'Tsismosa' episode ang mga aktres na sina Shaira Diaz at Joyce Ching.
Gardo Versoza at Coleen Perez sa 'Tsismosa' episode / Source: Wish Ko Lang
Ayon kay Lovely Rivero, noon daw ay madali siyang maapektuhan kapag napapagtsismisan siya, ngunit natutunan niyang 'wag patulan ang mga tsismosa, lalo na kung wala namang katotohanan ang mga sinasabi nito.
“Noon, madali akong maapektuhan 'pag may tsismis tungkol sa'kin, lalo na kung masyadong personal or below the belt.
“Pero habang nagma-mature ako, na realize ko na you can't please everybody, so medyo natuto na'ko mang-deadma ng mga tsismis.
“As long as hindi totoo, walang nasasaktan na mahal ko sa buhay, I let it be na lang. I try to conserve my energy sa mga bagay na talagang mahalaga.”
Nagbigay ng babala si Lovely para sa mga hindi mapigilan ang pagiging tsismosa.
“Get a life! Sa totoo lang, if hindi n'yo sigurado na totoo or if 'di naman magbubunga ng kabutihan, sana 'wag n'yo na lang i-tsismis. Kasi when you inflict pain, hurt or suffering sa kapwa n'yo, tandaan n'yo, laging may balik 'yun.”
May payo rin sina Lovely at co-star na si Coleen Perez para sa mga taong madalas nagiging biktima ng tsismis.
Ani Lovely, “When you are not guilty, 'wag n'yo na lang patulan dahil sayang ang energy n'yo. Gamitin ny'o na lang ang oras n'yo sa mga bagay na mas productive kesa pumatol sa mga tsismosa. Dahil kahit wala kayong gawin, eventually the truth will come out and it will set you free.”
Saad naman ni Coleen, “Know thy self. Kasi kung kilala mo mabuti ang sarili mo at alam mo 'yung tama at totoo, wala na dapat pa makaapekto sa'yo at madali mo na 'yan ma-let go. Ipaubaya mo na lang kay God kung ano man (ang) purpose (kung) bakit sila ganyan and you shall be rewarded with greater blessings. Importante you are happy and at peace with yourself.”
Huwag palampasin ang 'Tsismosa' episode ng bagong Wish Ko Lang mamaya, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
RELATED CONTENT:
Manalo ng negosyo package sa 'Tuloy Pa Rin Ang Pasko" promo ng bagong 'Wish Ko Lang'