Cherie Gil, excited na makasama si Shayne Sava sa 'Legal Wives'
Mistulang proud mama ang award-winning Kapuso star na si Cherie Gil nang i-post niya ang sneak peek ng eksena nila ni Starstruck Season 7 Ultimate Female Survivor Shayne Sava sa upcoming Kapuso series na Legal Wives.
Matatandaang isa si Cherie sa Starstruck Council noong Season 7 na nakakita ng malaking potensyal sa young Kapuso actress.
Ani Cherie sa kanyang Instagram caption, “Thrilled to be present for @shaynesava 's very first soap after her #starstruck win where I was one of the judges. Here I can witness her grow and blossom. She's truly one talent to watch out for.”
Nag-post din si Cherie ng solo photo ng kanyang karakter sa Legal Wives na si Zaina Macadato.
Ang Legal Wives ay isang cultural drama series na pagbibidahan ni Dennis Trillo na gaganap bilang isang Maranao Muslim.
Tatlo ang kanyang magiging lead ladies sa serye na ito: sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.
Kasama rin sa cast sina Al Tantay, Abdul Raman at marami pang iba.