What's Hot

Sheryl Cruz, bibida sa bagong episode ng 'Wish Ko Lang'

By Dianara Alegre
Published November 26, 2020 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

sheryl cruz on wish ko lang


Tampok sa bagong episode ng 'Wish Ko Lang' sina Sheryl Cruz, Anjo Damiles, Kim Rodriguez, at Faye Lorenzo.

Bibida si Magkaagaw actress Sheryl Cruz sa bagong episode ng drama anthology na Wish Ko Lang ngayong Sabado, November 28.

Makakasama niya rito sina Anjo Damiles, Kim Rodriguez, at Faye Lorenzo.

Kung sa afternoon prime series na Magkaagaw ay siya ang mistress, sa naturang episode ay gagampanan naman ni Sheryl ang role ng legal wife na aagawan ng asawa.

Sheryl Cruz

Source: officialsherylcruz (IG)

Nang makapanayam ng 24 Oras, inilarawan ni Sheryl ang karakter niya at ang magiging takbo ng istorya.

“Tungkol sa asawa which is ako tapos older ako roon sa aking napangasawa. Younger ang aking asawa rito na si Anjo.

"The thing is parang naging obsessed 'yung other woman to the point na ninakaw niya pati bangkay ng asawa ko,” aniya.

Si Kim ang mistress sa episode at marami silang fight scenes ni Sheryl dito.

“Ilan ang fight scenes namin dito or confrontation scenes ni Kim? Mga lima siguro. Maraming confrontation scenes sa kalsada,” dagdag pa niya.

A post shared by Sheryl Sonora Cruz (@officialsherylcruz)

Samantala, naghahanda na rin sa nalalapit na lock-in taping ng Magkaagaw ang aktres kasama sina Jeric Gonzales, Klea Pineda, at Sunshine Dizon.

Aniya, dapat abangan ng viewers ang inihahanda nilang mga tagpo.

“Mapapaiyak kayo, mapapahiyaw kayo, matatawa kayo, magagalit kayo. So, lahat ng emotions n'yo, ihanda n'yo na,” aniya.

Kung 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.