Filtered By: Showbiz News | News
The Legend of Candy Cane
Showbiz News

Ang kuwento ng candy cane at iba pang istorya sa unang linggo ng 'Christmas Cartoon Festival Presents'

By Marah Ruiz
Updated On: November 20, 2020, 04:37 PM
Apat na kuwento at isang two-part special ang hatid sa unang linggo ng 'Christmas Cartoon Festival Presents.'

Maaga ang Pasko sa pagbabalik ng Christmas Cartoon Festival Presents tuwing umaga sa GMA-7!

Sa unang linggo nito, handog namin ang apat na kuwento at isang two-part special.

Sa November 23, panoorin ang The Smurfs: Christmas Special kung saan masayang naghahanda para sa Pasko ang mga Smurf. Pero darating na naman si Gargamel para guluhin sila. Maisalba kaya nila ang Pasko at ang Smurf Village?

Smurfs


Isang cute na kuwento naman ang hatid ng Molly and the Christmas Monster sa November 24. Susubukang hanapin ni Molly at ng kaibigan niyang si Edison ang misteryosong Christmas Monster. Magtagumpay kaya sila at makauwi para makadalo sa Big Candle Party ng Monster Village?

Balikan ang kuwento ng kapanganakan ni Hesus sa The Crippled Lamb sa November 25. Dahil sa kanyang pilay, maiiwan ang tupang si Joshua sa sabsaban. Gayunpaman, masasaksihan niya ang isang mahalagang pangyayari rito.

Crippled Lamb


Ang two-part special na The Legend of Candy Cane naman ang mapapanood sa November 26 at 27. Alamin dito kung saan nanggaling ang candy cane at paano ito naging isa sa mga simbulo ng Pasko.

Candy cane


Huwag palampasin ang mga animated specials ng unang linggo ng Christmas Cartoon Festival Presents, simula November 23, 8:00 a.m. sa GMA-7.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.