
May special meaning para sa Unang Hirit host na si Juancho Trivino ang pagiging parte ng GMA-7 Christmas Station ID ngayong taon, dahil ito ang ikawalong beses niya na mag-shoot for the station ID.
Sa Instagram post ni Juancho, umamin siya na emosyonal para sa kanya ang pagkakataon na makasama sa "Isang Puso Ngayong Pasko" music video.
Aniya, “Nakaka emosyonal ito, maliban sa 8th year straight ko na sa GMA mag station ID shoot, obviously we all had a tough year and then here comes Christmas, a positive time amidst these trying times.”
Ibinahagi din niya ang naging experience niya sa shooting ng top trending na Christmas Station ID ng GMA-7 na mahigpit na pinairal ang safety at health protocols para sa kaligtasan ng lahat.
Wika nito, “Also isa isa lang kami nag shoot ng station ID and tbh sa sobrang tagal ko ng di pumunta sa studio ng GMA naligaw ako ng slight. #GMAStationID”
Matapos i-release sa 24 Oras ang Christmas Station ID kagabi, November 16, agad itong nag-number one sa listahan ng top trending topics sa Twitter Philippines at umani ito ng daang libong views sa Facebook at YouTube sa loob lamang ng ilang oras.
Ulit-ulitin mga Kapuso ang inspiring at heartfelt 'Isang Puso Ngayong Pasko' music video above. Maaari n'yo ring panoorin ito DITO.
Narito naman ang Facebook post ng naturang video. Bisitahin lamang ang Facebook page ng GMA Network kung nais n'yong magkomento:
Related content:
#Flashback: GMA Network's most heartwarming Christmas Station IDs
GMA Network unites all hearts with "Isang Puso Ngayong Pasko"
GMA Network sparks hope in 2020 Christmas Station ID