Miss Manila Alexandra Abdon, umaming nahiya sa sagot niya sa Miss Universe Philippines
Tinatawanan na lang ni Miss Manila Alexandra Abdon tuwing napag-uusapan ang kanyang viral preliminary interview sa nakaraang Miss Universe Philippines pageant. Ngunit inamin niyang nahiya siya noong unang lumabas ang video sa internet.
Sa vlog ni Aiko Melendez, nakausap ng beteranang aktres ang beauty queen kung ano ang kanyang "most embarrasing experience."
Tanong ni Aiko, "What is your most embarrasing experience? Can you say 'yung 'Chill ka lang, Direk?'"
Sagot niya, "Ayun, ayun. 'Yung gabi na lumabas 'yung video online, kakatapos lang namin mag-rehearsal. E, hindi po ako nagdadala ng phone, tapos ang dami nang nagta-tag na lumabas na raw yung preliminary [interview]."
"Hiyang, hiyang, hiyang, hiyang-hiya ako non. Hiyang-hiya ako gusto ko na mag-deactivate ng Facebook.
"Sabi ko, 'yung boyfriend ko hindi sinasagot 'yung tawag ko, baka nahihiya na sa akin."
Kinalaunan, nakita ni Alex na marami siyang natulungan dahil pinakita niya ang totoong siya.
Pagpapatuloy niya, "Tao na mismo 'yung [nag] switch [ng moment] into positivity."
"Nagising ako kinabukasan, ang daming nagte-thank you na naging confident sila, na parang nabago ko 'yung image na beauty queen, Instagram models, magazine models, print ad models na hindi mo puwedeng lapitan [dahil] super perfect.
"Again guys, walang perfect. Okay? Lahat tayo may imperfections, may flaws, and ako mas pinili ko lang ipakita sa inyo.
"And thank you kasi na-appreciate ng tao."
Tinanong din ni Aiko si Alex kung ano ang masasabi niya sa mga kontrobersya na bumalot sa naging coronation night ng Miss Universe Philippines.
Panoorin ang buong vlog ni Aiko:
Related content:
Miss Manila Alexandra Abdon is accidental fan favorite at Miss Universe 2020
Miss Manila Alexandra Abdon, naka-perfect score sa "Bawal Judgmental" ng 'Eat Bulaga'