GMA Logo Mimiyuuuh and Maine Mendoza
What's Hot

Selfie ni Maine Mendoza with Mimiyuuuh, pinusuan ng netizens

By Aedrianne Acar
Published November 11, 2020 10:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Mimiyuuuh and Maine Mendoza


Napanood n'yo ba ang guesting ng YouTuber na si Mimiyuuuh sa Bawal Judgmental ng 'Eat Bulaga?'

Tinutukan ng mga dabarkad ang guesting ng sikat na YouTuber na si Mimiyuuuh sa longest-running noontime show na Eat Bulaga, kahapon, November 10.

Bida bilang celebrity judge si Mimiyuuuh sa patok na segment na Bawal Judgmental kung saan pinagpilian niya sa mga choices ang mga dabarkad na nag-undergo ng cosmetic surgery or enhancement.

Photo taken from Mimiyuuuh's Instagram account

Hindi rin naman nagpahuli na magpa-picture sa kanya ang ilang host tulad na lang ng Phenomenal star na si Maine Mendoza.

Shinare ni Maine ang photo niya with the social media influencer at umani ito ng libu-libong likes.

Sa Instagram Story naman ni Mimiyuuuh, sinabi nito na sobra niyang na-enjoy ang guesting niya sa Eat Bulaga.

Aniya, “Super nag-enjoy po ako sa Bawal Judgmental guesting at sana rin po kayo ay nag-enjoy sa panonood sa amin.

“And I'm just happy I got home with P40,000 cash.”

Isa sa pinakasikat at in-demand na social media star ngayon si Mimi na sumikat noong 2019, dahil sa viral video niya na “Dalagang Pilipina.”

Nakakabilib din ang following niya online, ang kanyang YouTube channel ay may 3.48M subscribers at nagkamit na ito ng mahigit sa 143M views.

Samantala ang kanyang Instagram page ay may 1.5M followers at sinusundan naman siya sa Twitter ng mahigit two million followers.

Kamakailan lang, nagbunga ang hirap at pagod ni Mimiyuuuh sa pagta-trabaho, dahil proud niyang ipinasilip sa kanyang vlog na nakalipat na ang kanyang buong pamilya sa bago nilang bahay.

Related content:

Maggie Wilson shares inspiration behind Mimiyuuuh's revamped bedroom

Mimiyuuuh gives a tour of her new home