GMA Logo Boobay and Tekla
What's Hot

Tekla, may appreciation posts para sa kaarawan ni Boobay

By Cherry Sun
Published November 6, 2020 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay and Tekla


“Hayaan mo sa birthday ko, 'yung wish ko ibibigay at ipagkaloob ko sa'yo.” Basahin ang madamdaming pagbati ni Tekla para sa kanyang 'TBATS' co-host na si Boobay.

Dalawang appreciation posts ang ibinahagi ni Tekla para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang The Boobay and Tekla Show co-host at kaibigan na si Boobay.

Boobay and Tekla

Lumalim ang pagkakaibigan nina Boobay at Tekla nang magsama ang fun-tastic duo para sa Kapuso comedy program. Sa katunayan, mapapanood sa November 8 episode ng TBATS ang emosyonal na tagpo kung saan ibinigay ni Boobay kay Tekla ang kanyang birthday wish.

Ito rin ang pinag-ugatan ng madamdaming mensahe ni Tekla para sa kanyang co-host.

Aniya, “No words can say how much I love you bem, love kita deep in my heart. Ingat ka lagi Norman Balbuena, napakabuti ng puso mo. Pasyensya ka na sa munting handog bago ka bumiyahe papunta sa family mo. Advance happy bday bem. Hayaan mo sa birthday ko yung wish ko ibibigay at ipagkaloob ko sa'yo. Enjoy your special day, love kita.”

Isa pang pagbati ang kanyang ipinarating sa pamamagitan ng Instagram.

Ayon sa post ni Tekla, “Tabi tabi po, mauna na kong bumati sa aking partner ng maligayang kaarawan sa Nov 7. Mahal kita at maraming salamat sa pag alalay mo at pagdarasal mo para sa akin. #TBATS @boobay7.”

Tabi tabi po, 😅😅😅 mauna na kong bumati sa aking partner ng Maligayang kaarawan sa Nov 7. Mahal kita at maraming salamat sa pag alalay mo at pagdarasal mo para sa akin. #TBATS @boobay7

A post shared by SuperTeklah Librada (@superteklahlibrada) on

Ang special birthday episode ni Boobay ay mapapanood sa fresh episode ng TBATS ngayong Linggo.