Filtered By: Showbiz News | News
Tekla at Michelle Bana ag
Showbiz News

Live-in partner ni Tekla, hindi na itutuloy ang pagsampa ng kaso laban sa komedyante

Updated On: October 29, 2020, 03:01 PM
Ayon din sa isang abogado ay mahina raw ang ebidensya laban kay Tekla kaya't mas mainam na makipagkasundo na lamang si Michelle Bana-ag sa komediyante.

Hindi na raw itutuloy ni Michelle Bana-ag, live-in partner ni Tekla ang kanyang reklamo laban sa komediyante matapos nilang magkasundo para sa kanilang anak na si baby Angelo.

Tekla at Michelle Bana ag

Ipinahayag ni Michlle sa part 6 ng programa ni Raffy Tulfo na hindi na niya kakasuhan si Tekla.

Wika niya, “Ito na rin po 'yung huli sigurong pagsasalita ko sir, para po matapos na rin po 'to kasi sobrang dami na rin pong banta at saka bashers eh. Una po sa lahat, nagkausap na po kami ni Tekla, sir, para po sa bata na lang. Kasi po ayaw ko naman pong paglaki ng anak ko, malaman niya po ano'ng nangyari sa tatay niya, ano pong nangyari sa amin. Kaya po nagkaayos po kami ni Tekla, sir.”

Ang kapatid daw ni Michelle ang lumapit sa kampo ni Tekla at nakausap din nila ang manager nito na si Rose Conde.

Ayon sa kanyang pahayag, siya lamang at si baby Angelo ang handang tanggaping muli ng TBATS host ngunit hindi siya sumang-ayon dito para sa kapakanan ng kanyang kapatid at mga pamangkin. Dahil dito kaya nagkasundo na lang silang maghiwalay.

Patuloy ni Michelle, “Nagkaayos po kaming maghiwalay po kami nang maayos. Unang-una sir na hindi naman po character 'yung issue dito kundi 'yung karapatan ko bilang babae. Even though nagkaayos po kami, marami po kasing bash na kung ano-ano po 'yung mga sinasabi sa akin eh. 'Yun nga po, lumayo na po tayo sa issue. Stressed na stressed na po ako sir tapos nadagdagan pa po ng stress, at depressed po dahil sa namba-bash po sa akin, sa amin po ng pamilya ko at mga kaibigan ko po.”

MAHINA ANG MGA ALEGASYON

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay naging mainit na usapin ang mga akusasyon ni Michelle laban kay Tekla.

Kabilang na rito ang diumano''y hindi pagbibigay ni Tekla ng pangkain nila sa tuwing tumatanggi siyang makipagtalik.

Mariin naman itong itinanggi ng TV host.

Aniya, “Hindi totoo 'yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa 'yan, Michelle.

"Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae.

"Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko."

Diin pa niya, "Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo 'yan. Alam n'yo 'yan Shabi, alam n'yo 'yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic."

Bukod kay Michelle at Baby Angelo, nasa poder din ni Tekla ang pamilya ng kanyang kapatid.

Umalis sila sa inuupahang condominium unit ni Tekla matapos maisapubliko ang alegasyon ni Michelle.

Kaugnay nito, napatunayan namang mahina ang mga akusasyon ni Michelle laban kay Tekla sa isinagawang cross-examination ni Atty. Garreth Tungol, Chief of Staff sa opisina ng Rep. Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS partylist sa programa ni Raffy Tulfo.

Sa maiksing pag-uusap lamang daw nila ay pansin niyang mahina na ang ebidensya nito kung sasampahan niya ng kaso si Tekla. Nanggaling mismo kasi kay Michelle na hindi siya ginamitan ng puwersa o dahas ng komediyante at meron pa rin siyang pagkakataong iwanan ito.

Wika ni Atty. Tungol, “Ang nakita ko kasi mukhang 'yung sufficient compulsion para mabuo natin 'yung kaso for rape, or acts of lasciviousness, or child abuse doon sa bata dahil mismong nanggaling na po sa bibig ni Miss Michelle na may oportunidad naman pala siyang tumanggi at umalis noong mga panahong sinasabi niyang pinipilit siya ni Mr. Tekla.”

Sa October 27 interview ni Raffy kay Michelle, ipinahayag na rin ng una na tutulungan niya si Tekla na makuha ang kustodiya ni baby Angelo. Ito ay matapos siyang magsuspetiya na patuloy pa rin sa paggamit ng iligal na droga ang live-in partner ng komediyante at hindi karapat-dapat na mag-alaga ng bata.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.