GMA Logo Manilyn Reynes
What's Hot

Manilyn Reynes, proud sa bagong award ng 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published October 23, 2020 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Manilyn Reynes


Itinanghal na Best Comedy Show ang 'Pepito Manaloto' sa katatapos na Mendiola Consortium TV Awards. Congrats, Pepito fambam!

Walang pagsidlan ng tuwa ang versatile Kapuso actress na si Manilyn Reynes na muling nag-uwi ng award ang kanyang show na Pepito Manaloto sa katatapos na 1st Mendiola Consortium TV Awards.

Ang Mendiola Consortium ay isang educational organization na itinayo noong July 16, 1974.

Ito ay binubuo ng five educational institutions na matatagpuan sa Mendiola: San Beda University, Centro Escolar University, La Consolacion College of Manila, College of Holy Spirit at St. Jude Catholic School.

Manilyn Reynes

Sa Instagram post ni Mane, taos-puso siya nagpasalamat sa bagong pagkilala na iginawad sa Pepito Manaloto.

Aniya, “Maraming salamat po, Mendiola Consortium TV Awards for our Best Comedy Show award!

“At sa inyong lahat po, sa walang sawang suporta, sa panonood at sa laging pagsama sa amin sa Pepito Manaloto, thank you so much! Mula po sa aming lahat,”

Maraming salamat po , Mendiola Consortium TV Awards for our Best Comedy Show award! 💕💕💕 At sa inyong lahat po, sa walang sawang suporta, sa panonood at sa laging pagsama sa amin sa Pepito Manaloto, thank you so much! Mula po sa aming lahat 💕💕💕 @gmanetwork #SalamatPoGod #pepitomanaloto #bestcomedyshow #1stmendiolaconsortiumawards

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27) on

Para sa nakaka-good vibes na Sabado, manood ng Pepito Manaloto Kuwento Kuwento sa bago nitong oras na 6:15 P.M., pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang all-original musical competition ng GMA-7 na The Clash.

Related content:

#Yayamanin: A peek inside Manilyn Reynes' customized van

Manilyn Reynes looks pretty in new hairdo