Filtered By: Showbiz News | News
alden richards best actor in gawad pasado
Showbiz News

Alden Richards, wagi sa ika-22 Gawad Pasado

By Nherz Almo
Hinirang na "Pinakapasadong Aktor" si Alden Richards sa ginanap na ika-22 Gawad Pasado kamakailan.

Lubos ang pasasalamat ni Alden Richards sa pinakabagong pagkilala sa kanya bilang mahusay na aktor sa ginanap na ika-22 Gawad Pasado nitong Sabado, October 10.

Sa pamamagitan ng isang video, nagpasalamat ang Kapuso actor sa mga dalubguro na naghirang sa kanya bilang Pinakapasadong Aktor para sa pagganap niya sa pelikulang Hello, Love, Goodbye noong 2019.

"Isang malaking karangalan po na nabigyan ako ng award mula po sa inyong samahan. Nagpapasalamat po ako. Sa uulitin po.

"Thank you for this award kahit medyo na-late tayo dahil mayroon tayong pandemic ngayon.

"Pero here's to more projects po and more experiences to come para po sa akin.

"Sana magkaroon po ulit ako ng award mula po sa inyo in one of my future projects."


Bukod kay Alden, nagwagi rin si Kapuso actress Lovely Abella bilang Pinakapasadong Katuwang na Aktres para sa pagganap niya sa parehong pelikula.

Sa nakaraang Instagram post niya, sinabi ni Bubble Gang comedienne, "Ang puso ko ay umaapaw sa saya.. Para sa aking mamang at papang para sa inyo ang trophy na to, tulad ng sabi niyo lagi kung gagalingan, and yes ginalingan ko po.

"Sa aking Hello Love Goodbye fam maraming salamat lahat ng to ay pangarap na ngayon hawak kamay ko na, ang sarap sa pakiramdam makahawak ng ganitong trophy!!!"

Ang puso ko ay umaapaw sa saya.. Para sa aking mamang at papang para sa inyo ang trophy na to, tulad ng sabi niyo lagi kung gagalingan, and yes ginalingan ko po 😭 Sa aking Hello love goodbye fam maraming salamat lahat ng to ay pangarap na ngayon hawak kamay ko na, ang sarap sa pakiramdam makahawak ng ganitong trophy!!! @direkcathyg maraming salamat sa tiwalang binigay mo po 🙏🏻 sa lahat ng mga kasamahan ko sa pelikulang to, salamat sa pagkakaibigang nabuo natin 🙏🏻 @starcinema salamat po talaga 🙏🏻 sa PASADO at sa lahat ng guro maraming salamat po 🙏🏻🙏🏻 Lord salamat sa napakagandang blessing na to 🙏🏻 #katuwangnaaktres #bestsupportingactress

Isang post na ibinahagi ni Lovely Abella (@lovelyabella_) noong

Samantala, pinarangalan naman ang pelikulang Babae at Baril bilang Pinakapasadong Pelikula sa Pagkakapantay-pantay ng kasarian.

Ang pelikulang ito ay pinagbidahan ni Kapuso actress Janine Gutierrez at idinerehe ni Rae Red.

Ang Gawad Pasado ay taunang pagkilala sa mga natatanging Pilipino sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ito ay binubuo ng mga miyembro ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro mula sa Philippine Normal University.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.