GMA News TV, mas pinalakas sa local at international movies
No sine? No problem!
Mula action, drama, comedy o romance, hatid ng GMA News TV ang iba't ibang pelikula, maging local man or international.
Higit sa lahat, mapapanood ang mga ito araw araw!
Bigating blockbuster Hollywood films ang matutunghayan sa Siesta Fiesta Movies, mula Lunes hanggang Biyernes 12:30 pm.
Next week, magiging puno ng aksiyon ang inyong linggo sa Kong: Skull Island sa September 28, at World War Z sa September 29.
Samantala, back to back superhero features ang mapapanood sa X-Men: The Last Stand sa September 30 at Suicide Squad sa October 1.
Big robots ng Transformers: Age of Extinction naman ang yayanig sa hapon ng October 2.
Pagdating ng Sabado, huwag palampasin ang Saturday Cinema Hits, tampok ang Pinoy movies na pumatok sa takilya. Ngayong Sabado (September 26), mapapanood ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies kung saan bibida ang Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.
Tuwing pagatatapos ng linggo, may pag-ibig na hatid sa tanghali ang Sine Date Weekends kung saan mga nakakakilig na romantic comedy movies ang tampok para sa mga manonood. Sa darating na September 27, mapapanood ang Imagine You & Me na pinagbidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Puno naman ng kaastigan at martial arts action ang mapapanood sa The Big Picture, tuwing Linggo, 4:00pm. Abangan dito ang action comedy film na Rush Hour 3 sa September 27 na pinagbibidahan nina Jackie Chan at Chris Tucker.
Laging tumutok sa GMA News TV para sa mga pelikula at iba pang makabuluhang news and lifestyle shows.