Vaness Del Moral, nag-aalala para sa kapatid na frontliner sa US
Kahit proud si Vaness Del Moral sa kanyang kapatid na nurse sa US, inamin niyang nababahala pa rin siya sa kalagayan nito sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ikinuwento ito ni Vaness sa ginanap na online press conference para sa season 2 ng shows ng GMA Artist Center. Kabilang dito ang Just In, ang online talk show nila ni Paolo Contis.
"Nagwo-worry in a way kasi mas careless kasi ang mga nandoon e, sa US e.
"Meron nga silang mga Karen doon na hindi na hindi naniniwala sa face mask and then they end up getting COVID, e di mas lalo silang nahirapan 'di ba?"
Para sa mga hindi nakakaalam, ang pangalang "Karen" ay bansag sa mga Amerikanang reklamador, racist, o may sense of entitlement.
Nababawasan naman ang kaba nito para sa kapatid na si Juliene Marie dahil alam niyang kaya niyang alagaan ang kanyang sarili.
"In a way kampante din ako na she can take care of herself. Sobrang healthy niya actually.
"Kung napansin ninyo yung photo na ipinost ko, very healthy siya and voluptuous. At nagha-hike sila ng boyfriend niya 'pag day off nila."
Sinabi rin ni Vaness na saludo siya sa mga healthcare workers na patuloy na lumalaban sa pandemya.
"Alam naman nating lahat na hindi biro at hindi madali 'yung trabahong ginagawa ng isang nurse Hindi lang naman ng isang nurse kung hindi ng isang doktor din."
Sa nakaraang post ni Vaness sa social media, ibinahagi niya ang kanyang mensahe para sa kanyang kapatid pati na rin sa ibang nurses.
Ani ng aktres, "When you're tired and exhausted, send me a message anytime (bilang magkaiba tayo ng timezone, babasahin ko nalang pag gising na ako) after all, you are human and it's OKAY to feel frustrated, tired, sad, angry.
"Stay safe sis and be careful. I love you and I will keep praying for you!
"Para sa sakripisyo mo kabsat! Salute to all nurses out there! You are not just a nurse, but God's army!!!"
WATCH: Kulitan with Paolo Contis at Vaness del Moral sa 'Just In'
Reach for the stars and hangout with GMA Artist Center