What's Hot

Magiging recording artist na ba si TJ?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 6, 2020 1:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Trump says Putin has been invited to join Board of Peace
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Sa Diva ay napasabak sa kantahan ang Kapuso leading man na si TJ Trinidad. Gusto na kaya niyang maging recording artist in the future?
Sa Diva ay napasabak sa kantahan ang Kapuso leading man na si TJ Trinidad. Gusto na kaya niyang maging recording artist in the future? Text by Ayessa De La Pena, Photo by Mitch Mauricio starsIsang success ang kantaseryeng Diva, the first musical sa telebisyon. Bukod pa rito ay consistent rin sa ratings ang show, which stars Mark Anthony Fernandez, TJ Trinidad, and Asia's songbird Regine Velasquez . Dahil nga isang musical ang Diva, syempre napakanta rin dito ang buong cast, kasama si TJ. Bali-balita nga na sasabak na sa pagiging recording artist ang binata. Gaano naman kaya katotoo ito? "Nagbabanda ako since college and that’s always been a dream of mine [that] I’m never gonna fulfill. So I think this [show] ignited that dream…But I’m not gonna do anything mainstream. I’m just gonna record all the songs that I’ve written for years," sagot ng binata during the show's thanksgiving presscon. Mukha ngang talagang natuwa ang binata sa show na ito dahil in the future ay gusto niya pa ring magkaroon ng mga katulad na projects, "I like this! I like musicals! So much fun!" Dagdag pa ni TJ, kung bibigyan raw sya ulit ng ganitong projects at makakapareha nya si Regine ay siguradong tatanggapin nya ito, "I wouldn’t mind that. But whatever they’ll give, I’ll accept it. I’m sure we [Regine Velasquez] can do some things together." Bilang mataas nga ang ratings ng Diva, may bali-balita ring may ibang shows na nga raw in the future na kantaserye rin ang gagamiting format. Ano naman kaya ang reaksyon ng aktor dito? "That’s the best form of flattery, I suppose." Pero paglilinaw ng aktor, gusto nyang gawin rin ito ng ibang shows dahil nga nabibigyang saya nito ang mga manonood, "I think everyone should do it. Kasi it’s so much fun. I don’t think people realize how much fun it is. And if we can just spread the joy because there’s so much sadness in this world, if you can make them happy [with a kantaserye], why not. Go ahead." Pakinggang kumanta si TJ sa huling linggo ng nag-iisang kantaserye sa telebisyon, ang Diva, weeknights after Endless Love ! Pag-usapan si TJ sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!