Fresh na fresh ang August sa GMA!
Magiging exciting ang August dahil hatid ng GMA ang fresh at brand new episodes ng ilang paborito nating shows.
Tuloy ang chikahan at food bonding sa Mars Pa More at Sarap 'Di Ba?.
Simula naman sa August 16, maki-ping ping ping sa bagong episodes ng Idol sa Kusina.
Abangan din ang bagong paadandar ng longest running comedy gag show na Bubble Gang simula August 21.
Sa August 23 naman matutunghayan ang fresh episode ng Dear Uge.
Samantala, isang bago at napapanahong kuwento na naman ang hatid ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong August 15.
Sa August 16, mapapabilib tayo sa bagong fun science experiments ng iBilib.
Patuloy naman tayong mamamangha sa mga amazing earth stories ng Amazing Earth at sa showdown ng mga sikat sa All-Out Sundays.
Ngayong August, ang daming bago sa GMA!