Glaiza de Castro remains empathetic to her basher
Mas pinipili ni Glaiza de Castro na manatiling unaffected sa mga pambabatikos sa kanya at boyfriend niyang si David Rainey.
Aniya sa kanyang fans noong July 28, “Aware ako sa mga tweets against me pero 'wag nating hayaang ikalugmok natin 'yun. Mahirap pero dun masusukat ang lakas mo.”
Aware ako sa mga tweets against me pero wag nating hayaang ikalugmok natin yun. Mahirap pero dun masusukat ang lakas mo. https://t.co/2txK0Crg70
-- Glaiza de Castro (@glaizaredux) July 28, 2020
Marami kasing fans ni Glaiza ang umalma sa isang basher na nagsasabing “malandi” ang aktres at “demonyo” ang boyfriend nito.
Source: gmanetwork (Twitter)
Kaya naman sagot ni Glaiza sa fans, “Gaiz, 'wag na patol, report na lang. Tapos usapan.”
Paliwanag ng aktres na mas mabuting intindihin na lamang ang bashers kahit na “nakakainis na talaga.”
Aniya, “Alam niyo gaiz, marami na tayong nababasa sa Twitter na nakakaapekto sa emosyon natin, mas nakakatulong sa atin at sa lahat ng makakabsa ng tweet natin na huwag mag reply ng masasakit sa kanila.
“Matatagpuan din sila ng taong magmamahal at uunawa sa kanila gaya ng pagmamahal at pang-uunawa sa akin sa kabila ng topak ko. Naniniwala ako.
“Baka naghahanap lang din sila ng release, kasi nakakabaliw naman talaga ang nangyayari sa mundo.
“Nataon lang na ako, o kung sino mand ito sa Twitter, ang napag diskartehan.”
Alam niyo gaiz, marami na tayong nababasa sa Twitter na nakaka apekto sa emosyon natin, mas makakatulong sa atin at sa lahat ng makakabasa ng tweet natin na huwag mag reply ng masasakit na salita. Kahit pa minsan nakakainis na talaga. https://t.co/x6Jsd8EKbD
-- Glaiza de Castro (@glaizaredux) July 28, 2020
Matatagpuan din sila ng taong magmamahal at uunawa sa kanila gaya ng pagmamahal at pang uunawa sa akin sa kabila ng topak ko. Naniniwala ako. https://t.co/LvrSWmKywz
-- Glaiza de Castro (@glaizaredux) July 28, 2020
Baka nag hahanap lang din sila ng release, kasi nakakabaliw naman talaga ang nangyayare sa mundo. Nataon lang na ako, o kung sino man dito sa Twitter ang napag disketahan. https://t.co/TEwtk4QemM
-- Glaiza de Castro (@glaizaredux) July 28, 2020
Sa huli, nag-iwan ng payo si Glaiza sa kanyang mga tagasuporta, “Akap gaiz, may mga mga bagay tayong hindi kayang i-control tulad ng pandemic na ito at ang mga opinyon ng ibang tao.
“Pero kaya nating kontrolin kung paano tayo magre-react sa mga bagay na 'yun.
“Suportahan natin ang isa't isa na maging mas mapang-unawa.”
Akap gaiz, may mga bagay tayong hindi kayang i control tulad ng pandemic na ito at ang mga opinyon ng ibang tao, pero kaya nating kontrolin kung paano tayo mag re react sa mga bagay na yun. Suportahan natin ang isa't isa na maging mas mapang unawa.
-- Glaiza de Castro (@glaizaredux) July 28, 2020