GMA Logo Miguel Tanfelix in quarantine
What's Hot

Miguel Tanfelix, may pinaghahandaang bagong project?

By Marah Ruiz
Published July 24, 2020 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix in quarantine


Na-intriga ang followers ni Miguel Tanfelix sa isang post niya sa kanyang Instagram account.

Tila may pinaghahandaang something special si Kapuso actor Miguel Tanfelix ngayong quarantine.

Ipinahiwatig niya ito sa isang post sa kanyang Instagram account.

Nagbahagi siya ng ilang litrato kung saan makikitang humaba na ang kanyang buhok.

Balak naman daw niyang pagupitan ito bilang paghahanda sa isang bagay na hindi pa niya piniling ibahagi.

Marami ang na-intriga sa kanyang caption.

Bagong proyekto ba ang ipinapahiwatig ng kanyang post?

"Look how long my hair got during this quarantine! Cutting it short in preparation for... 🤫" sulat niya.

Look how long my hair got during this quarantine! Cutting it short in preparation for... 🤫

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_) on


Kasalukuyang napapanood si Miguel bilang Diego sa GMA Telebabad series na Kambal, Karibal.

Bahagi din siya weekly variety show na All Out Sundays.


Ngayong quarantine, pinagkaabalahan ni Miguel ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang kanyang pang-araw araw na routine noong may lockdown.

Naglabas din siya ng isang lumang vlog para ma-inspire ang iba na maging mapagbigay.